Millennials, kulang sa sense of history

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 445 total reads

May kakulangan sa ‘sense of history’ ang mga nakababatang henerasyon o millennials.

Ito ang dahilan kung bakit mas marami ang sumasang-ayon sa ‘martial law’ sa Mindanao base sa survey ng Social Weather Station.

Nilinaw ni Father Kunegundo Garganta, executive secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Youth (CBCP-ECY) na malaki ang gap noong panahon na idineklara ng dating Pangulong Marcos ang batas militar.

“Malaking issue kasi malaki ang gap nung panahon na mayroong martial law and the young people that we have now, hindi man lang nila narinig ang kuwentong ito o nababasa na lang nila ang kuwento tungkol dito.” paliwanag ni Father Garganta.

Ipinaliwanag ni Father Garganta maaring karaniwang dahilan ng mga sang-ayon ay ang pagtiyak ng kaligtasan ng mga mamamayan sa rehiyon at ang pagsupil sa mga local at foreign terrorist na nagpapasok ng ‘foreign ideology’.

“So ang makikita lang nila this a fort to provide security, a fort to stop terroristic activity yung ang kanilang makikita na advantage. Yun ang pwedeng sabihin ng kahit na sino na hindi naranasan ang martial law na advantages for us, kasi ang gusto naman niyan ay pigilin ang mga banta ng kaguluhan o banta ng terorismo,” sinabi ni Fr. Garganta sa panayam ng Radio Veritas.

Gayunman, lumabas din sa survey na 79 percent ng taga-Luzon at Visayas ang hindi sang-ayon na umiiral ang martial law sa Luzon at Visayas.

Paliwanag pa ng pari, maaring ang lahat ay nagkulang na ipasa ang mahalagang kasaysayan ng bansa sa kabataan bilang isang paghuhubog bilang mga mamamayan at hindi lamang one time event.

“Kailangan nating sipating mabuti kung talaga bang natutulungan natin ang ating mga mag-aaral o estudyante na lumingon tayo sa pinanggagalingan ng ating kuwento at karanasan ng pagsubok bilang isang bansa, so may mga malalalim na pagsusuri na kailangan nating gawin,” ayon pa kay Fr. Garganta.

Ang 60-day martial law sa Mindanao ay mapapaso sa ika-24 ng Hulyo 2017.

Gayunman, bago mawalan ng bisa ang batas militar ay pormal na hiniling ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na i-extend o palawigin pa ang pag-iral ng Martial law sa Mindanao hanggang Disyembre ng kasalukuyang taon.

Nauna rito, nagpahayag ng hindi pangsang-ayon ang mga Obispo ng Simbahang Katolika sa extension ng Martial law sa Mindanao dahil magpapahirap lamang ito sa mamamayan ng rehiyon.

Read: Taga-Mindanao, dapat tumugon sa ML extension

Sa mensahe ni Pope Francis, binigyan diin nito ang kahalagahan ng mga nakakatanda na siyang nagpapasa ng kasaysayan, kaalaman at pananampalataya sa mga mas nakakabatang henerasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 31,040 total reads

 31,040 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 62,312 total reads

 62,312 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 140,291 total reads

 140,291 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 234,518 total reads

 234,518 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 293,894 total reads

 293,894 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top