VeritasPH

The Word, The Truth

 7,692 total views

5th Sunday of Ordinary time

Day of Prayer and Awareness against Human Trafficking

Job 7:1-4.6-7 1 Cor 9:16-19.22-23 Mk 1:29-39

Hindi madali ang buhay. Alam ito ng Diyos kaya ito’y nakasulat sa Bibliya. Narinig natin ang daing ni Job: “Ang buhay ng tao’y sagana sa hirap. Batbat ng tiisin at lungkot ang dinaranas.” Sa araw nahihirapan tayo sa ating mga gawain. Naghahangad na lang tayo na matapos na ang araw upang tayo ay makapahinga na. Pagdating naman ng gabi, hindi tayo nakakatulog, namomoblema din sa ating buhay na puno ng abalahin. Parang ang haba ng gabi na paikot-ikot na lang tayo sa higaan. Alam ng Diyos ang kahirapan natin sa buhay. Hindi lang niya alam. Naranasan din ito ng Diyos sapagkat kay Jesus naging tao siya. Hindi naman ito ang plano ng Diyos, na mahirapan tayo sa buhay. Gusto niya na maging kaaya-aya ang buhay natin, kaya nilagay niya tayo sa paraiso. Dahil sa ating kasalanan kaya tayo nagkaganito. Wala na tayo sa paraiso ngayon. Mas pinili natin ang boses ng ahas kaysa ang salita ng Diyos. Mas naniwala tayo sa kasamaan kaysa sa Diyos. Iyan ang lahat ng kasalanan. Mas naniwala tayo sa tawag ng laman, sa paanyaya ng barkada, sa mga pangako ng advertisements kaysa sinasabi ng ating budhi at ng magagandang aral na binibigay ng ating mga magulang, ng mga katekista, ng mga pari at mga lay ministers natin. Dahil dito hirap tayo sa buhay.

Kaya pinadala ng Diyos ang kanyang anak upang tayo ay tulungan at iligtas, hindi parusahan o ipahamak man. Pinakita ang pagliligtas na ito ni Jesus sa ating ebanghelyo. Tumutulong siya kung saan may pangangailangan. Noong ipinaalam sa kanya na may mataas na lagnat ang biyenan ni Pedro, pinuntahan niya ito, hinawakan sa kamay at ibinangon. Noong dinala ng mga tao sa kanya ang mga may sakit paglubog ng araw, ang ibig sabihin, pagkatapos ng Araw na Pamamahinga kaya maaari na silang mabuhat, pinagaling niya sila kahit na malalim na ang gabi. Pinalayas niya ang mga inaalihan ng mga demonyo. Gumagawa siya ng kabutihan sa mga tao.

Siguro napagod din si Jesus sa buong araw ng kanyang pangangaral at pagpapagaling pero kinaumagahan maaga pa siyang nagising at pumunta sa tahimik na lugar para magdasal. Hindi lang nagdarasal si Jesus kasi libre siya. Hinahanapan at binibigyan niya ito ng panahon. Dahil sa siya ay nagdarasal, alam niya ang kanyang misyon. Alam niya kung ano ang ipinagagawa sa kanya ng Diyos Ama. Hindi lang tayo nagdarasal upang mabigyan ng hinihingi natin. Higit sa lahat, nagdarasal tayo upang malaman ang kagustuhan ng Diyos na dapat nating gawin. Kaya noong hinanap siya ni Pedro noong maliwanag na at hinihikayat na bumalik na sa Capernaum kasi hinahanap siya ng mga tao doon, hindi siya nagpadala sa kagustuhan ng mga tao. Kung sa bagay, mas madali na bumalik sa Capernaum. Kilala na siya ng mga tao at sila’y hangang-hanga sa kanila. Pero hindi! Hindi iyan ang plano ng Ama. Sinabi niya: “Kailangan na pumunta rin tayo sa kalapit-bayan upang doon ay mangaral at tumulong sa mga tao.”

Kaya iyan ang naging buhay niya, pumupunta sa ibang mga lugar upang makatagpo ang mga tao na kailangan ding makarinig ng Magandang Balita. Ang buhay na ito ni Jesus at ang pagmamalasakit na maabot ang mga tao ay siya rin ang naging buhay ni Pablo. Siya rin ay pumupunta sa iba’t-ibang mga lunsod ng empero ng Roma, lalo na ang mga hindi pa naaabot ng iba, upang doon ipahayag ang kaligtasan. Nakikita niya na ito’y isang tungkulin na ibinigay sa kanya. Ito ay misyon na ipinagkatiwala sa kanya. Kaya nasabi niya: “Sa aba ko, kawawa ako, kung hindi ko ipangaral ang Magandang Balita.” Kaya nangangaral siyang walang bayad. Mabuting katiwala siya ng Magandang Balita. Ngunit hindi lang siya nangangaral. Binabagay niya ang kanyang pamumuhay ayon sa mga kausap niya upang maintindihan siya at madali nilang matanggap ang kanyang mensahe. Naging mahirap siya kung ang kausap niya ay mahihirap. Naging mahina siya sa mga mahihina, at gumagamit naman siya ng karunungan sa mga marurunong. Ang lahat ng ito ay ginagawa niya alang-alang sa Magandang Balita.

Dahil sa ginawa ni Jesus na palaging nangangaral at nagsasabuhay ng mga aral ng Diyos, sinundan naman siya ni Pablo at ng mga apostol. Ginawa din ito ng mga misyonero sa kasaysayan ng simbahan kaya nakarating sa atin ang pananampalataya. Ang pananalig sa Diyos ang nagbibigay sa atin ng lakas ngayon upang harapin at malampasan ang mga kahirapan sa buhay.

Ano ba ang naibibigay ng pananampalataya sa Diyos? Hindi naman ito nagbibigay ng pera o mga material na bagay. Ang pananalig sa Diyos ay nagbibigay sa atin ng katatagan sa harap ng mga kahirapan sa buhay. Ang katatagan na ito ay galing sa ating pananalig na hindi tayo nag-iisa. Kasama natin ang Diyos. Ang katatagan na ito ay galing sa ating pananalig na mahal tayo ng Diyos at ginagabayan niya tayo tungo sa kanya. Ang katatagan na ito ay galing sa kasiguraduhan na may patutunguhan at kabuluhan ang buhay natin. Ang direksyon na ito ay tungo sa buhay na walang hanggan.

Nalalaman natin ito dahil sa mga tao na nagpahayag sa atin ng Magandang Balitang ito. Pumunta sila sa misyon. Lumapit sila sa atin. Tanggapin natin ang balitang dala nila at ipagpatuloy natin ibalita din ito sa iba. Tayong nakinabang sa Magandang Balita ay ibahagi din natin ito sa iba. Iyan ang pagiging mabuting katiwala ng Magandang Balita. Ibahagi natin ang mayroon tayo. Ito ang tunay na pagpapahalaga sa Magandang Balita. Tanggapin natin ito, isabuhay natin ito at ibahagi din natin ito sa iba.

Ngayong Linggo hinihikayat tayo ng simbahan na mamulat sa isang napakasama na nangyayari ngayon, ang tinatawag na white slavery o ang pangangalakal sa mga tao. Hanggang ngayon pinagbibili ang mga tao, ang karamihan sa kanila ay mga bata at mga babae. Kinukuha sila, nililinlang, dinudukot at halos kinukulong para magtrabaho sa mababang sweldo o para gamitin sa sex. Pinagkakakitaan ang kapwa tao. Mag-ingat po tayo sa ganitong gawain pati dito sa Palawan. Huwag ipagbili ang katawan. Huwag magpaalipin sa iba. Napakalaki na business ang human trafficking na ito ay sumusunod lang sa arms trade at sa drug business sa laki ng halaga na nakukuha dito. Ipagdasal natin na hindi tayo mabiktima dito at maging mapagmasid tayo sa gumagawa nito. Madalas daw ang umaalok sa ganitong gawain ay mga kakilala o kamag-anak din natin, umaalok na magtrabaho sa ibang lugar o sa abroad sa mga tao na inocente at madaling maloko.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 15,484 total views

 15,484 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 23,529 total views

 23,529 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 28,609 total views

 28,609 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 34,315 total views

 34,315 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 43,103 total views

 43,103 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 739 total views

 739 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 6,868 total views

 6,868 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 4,997 total views

 4,997 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 7,280 total views

 7,280 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 10,186 total views

 10,186 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 11,125 total views

 11,125 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 2, 2024

 11,119 total views

 11,119 total views Homily June 2, 2024 Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ Cycle B Ex 24:3-8 Heb 9:11-15 Mk 14:12-16.22-26 Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Naging tao siya upang makapiling tayo. Kahit na siya ay umakyat na sa langit patuloy pa rin tayong pinangangalagaan. Ipinamamagitan niya tayo sa Ama.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 26, 2024

 14,837 total views

 14,837 total views Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle B Basic Ecclesial Community Sunday Deut 4:32-34.39-40 Rom 8:14-17 Mt 28:16-20 Matapos ang makababalaghang karanasan ng mga Israelita sa paglikas nila sa Egipto at matapos ang mahabang paglalakbay nila sa disyerto ng apatnapung taon, pinaisip sila ni Moises bago sila pumasok sa lupaing ipinangako sa kanila.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 19, 2024

 16,683 total views

 16,683 total views Homily May 19, 2024 Pentecost Sunday Cycle B Acts 2:1-11 1 Cor12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Ang Pentekostes ay isang dakilang pista ng mga Hudyo, kaya mayroong maraming tao noon sa Jerusalem na galing sa iba’t-ibang bansa. Namimiesta sila. Sa kapistahan ng Pentekostes ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pagbibigay sa kanila ng mga batas ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 12, 2024

 16,680 total views

 16,680 total views Homily May 12, 2024 Ascension Sunday World Communications Sunday Mother’s day Acts 1:1-11 Eph 4:1-13 Mk 16:15-20 Bahagi ng buhay ng tao ay ang pag-welcome at ang pamamaalam. Kadalasan masaya tayo sa pag-welcome sa isang dakila o mabait na tao at malungkot tayo sa pag-alis niya. Masaya tayo sa pagtanggap sa auntie na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 21,189 total views

 21,189 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 26,505 total views

 26,505 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 28,663 total views

 28,663 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 30,821 total views

 30,821 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | April 6, 2024

 31,170 total views

 31,170 total views First Things First | April 6, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top