Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,251 total reads

8th Sunday of the Year Cycle C
Sir 27, 4-7 1 Cor 15:54-58 Lk 6:39-45

Ang ating buhay ay puno ng pagdedesisyon. Kahit sa anong bagay dapat tayong magdecide. Pati na lang sa pagbili ng sabon, kailangan magdecide. Anong sabon ba ang bibilhin ko? Ganoon din sa pagluto ng pagkain, ano ba ang lulutuin. Saan ano kukuha ng iluluto ko? Ordinaryong pang-araw-araw na desisyon lang iyan. Hindi na tayo masyadong nag-iisip diyan. Pero may mga mahahalagang desisyon na dapat din natin pag-isipan – ano bang kurso ang kukunin ko? Papasok ba ako sa ganitong trabaho? Saan ba ako lilipat ng bahay? Mahahalagang desisyon na ito. Kailangan din tayo magdecide tungkol sa tao. Kakaibiganin ko ba siya o hindi? Paniniwalaan ko ba siya? Pagkakatiwalaan ko ba siya ng aking mga sekreto? Magiging boyfriend ko ba siya? Magpapakasal ba ako sa kanya? Mabibigat na desisyon na ito. Ano kaya ang maaaring gumabay sa atin sa mga choices na ito?

Mas lalong nagiging mahirap magdesisyon ngayon sa mahahalagang usapin kasi mahirap malaman ang katotohanan. Mahirap na nga magpasya, pinapahirapan pa tayo ng mga fake news. At ginagamit pa ang AI para gumawa ng fake news! Gusto tayong linlangin. Kaya marami ang nabubudol.

May mga ilang palatandaan sa Bibliya na maaaring makatulong sa ating paggawa ng wastong desisyon. Sinasabi sa Bible na suriin ang iba’t-ibang Espiritu. May mga masasamang espiritu na nagpapanggap na mabuti. Pati na nga ang demonyo ay nagpapanggap na anghel. Ang layunin ng tukso ay lituhin tayo para makagawa tayo ng masama. Kaya magsuri tayo nang mabuti. Kung mabigat ang dedesisyunan natin, bibigyan natin ito ng panahon upang pagnilayan at dasalan. Huwag magpadalus-dalos sa pagpapasya.

Sikapin natin na tayo ay hindi maging instrumento sa pagkakamali ng iba. Kaya tayo mismo ay huwag basta-bastang magbigay ng payo kung hindi naman tayo sigurado. Baka malinlang pa natin ang iba. Kaya kung wala o kakaunti ang ating alam, huwag na tayong magsalita. Para tayo niyang na isang bulag na gumagabay sa bulag. Suriin muna natin ang ating sarili bago tayo magbigay ng payo sa iba o mag-correct sa iba. Hindi tayo makakatanggal ng puwing sa mata ng iba kung may troso na humahadlang sa ating paningin. Kung may bias o prejudice tayo mahirap na makapagbigay ng maayos at objective na payo. Tulad ng ayaw nating tayo’y lituhin, iwasan din natin na magkaroon ng maling desisyon ang iba dahil sa atin.

Tungkol naman sa pagtitiwala sa iba… Maaasahan ba ang payo ng iba? Ang katuruan nila? Ang kanilang sinasabi? Marami ngayon ang mga preachers kuno at iba’t-ibang turo ang kanilang kinakalat. At marami din silang nadadala dahil sa madulas at mabulaklak nilang pananalita. Tingnan natin hindi lang ang sinasabi nila. Suriin din natin ang kanilang buhay. Malalaman nga ang puno sa kanyang bunga. Malalaman kung matamis ang manggang ito sa pagkain ng kanyang bunga. Mabuti ba ang puno ng santol? Kumain ka muna sa kanyang bunga. Matamis ba o hindi? Maaasahan ba ang taong ito? Tingnan mo ang kanyang pamumuhay. Kung maayos ang kanyang ugali, ang kanyang pamilya, ang kanyang business, maaaring maaasahan natin na maayos na tao ito.

Kailangan natin ang ganitong pagsusuri sa panahon ng election. Huwag lang natin pakinggan ang adds ng isang politiko, ni tingnan lang ang mukha niya sa mga karatula. Maaaring doktorin ang mukha ng isang tao upang ipalabas na siya ay pogi o maganda, na siya ay bata pa, na siya ay maamo. Magkaroon ng lifestyle check. Kamusta ba ang pamumuhay niya? Tapat ba siya sa kanyang pamilya? Kung hindi siya tapat sa asawa niya, paaano siya maging tapat sa bayan? Kung nagpapadala siya sa kanyang bisyo, hindi niya mapanghahawakan ang kanyang responsibilidad. Saan ba nanggagaling ang kanyang pera? May lehitimong business ba siya?

May sinasabi din si Sirak sa unang pagbasa natin. Sinabi sa atin: Huwag munang purihin ang isang tao hanggang hindi siya makapagsasalita sapagkat doon mo po makikilala ang tunay niyang puso’t diwa. Sa pangungusap ng isang tao, damdamin niya’y nahahalata. Mahalaga ito sa pag-iibigan at sa magkasintahan. Sa mga kwento, sa mga pahayag, sa kanyang mga biro mahahalata natin ang kanyang pagkatao. Sinabi ni Sirak, ang pagkatao ng sinuma’y makikita sa usapan. Kaya magbigay ng panahon sa pag-uusap upang makilala ang isang tao. Kapag nakilala na natin siya, magdesisyon tayo kung maniniwala pa tayo sa kanya, kung tatanggapin ko ba siya na habang buhay na partner ko, o kung maipag-uubaya ko ba ang aking bansa o ang aking lalawigan sa kanyang pangangalaga.

Gawin natin na maayos ang ating mga desisyon. Naaapektuhan ang iba at tayo mismo sa ating mga desisyon – maging iyan ay sa halalan, o sa pagkakaibigan, o sa pagpapamilya, sa pagbibusiness. Upang maging maayos ang desisyon, suriin natin ang pagkatao ng bobotohin natin, o maging business partner natin o maging kasintahan at maging asawa natin. Tingnan natin ang kanyang buhay. Alamin natin ang kanyang ugali. Pakinggan natin at suriin ang kanyang mga sinasabi. Kinalanin muna natin siya, bago pagkatiwalaan.

Maganda ang sinabi ni Jesus: “Ang mabuting tao ay nakapagdudulot ng mabuti sapagkat tigib ng kabutihan ang kanyang puso; ang masamang tao ay nakapagdudulot ng masama, sapagkat puno ng kasamaan ang kanyang puso. Sapagkat kung ano ang bukam-bibig, siyang laman ng dibdib.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 36,418 total reads

 36,418 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 72,203 total reads

 72,203 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 126,037 total reads

 126,037 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 187,799 total reads

 187,799 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 255,539 total reads

 255,539 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Homily August 9, 2026

 8,317 total reads

 8,317 total reads 19th Sunday in Ordinary Time Cycle A 1 Kgs 19:9.11-13 Rom 9:1-5 Mt 14:22-33 Siguro naman gusto nating makipagtagpo sa Diyos? Siyempre Oo,

Read More »

Homily August 2, 2026

 17,091 total reads

 17,091 total reads 18th Sunday of Ordinary Time Cycle A St John Mary Vianney Sunday Is 55:1-3 Rom 8:35.37-39 Mt 14:13-21 Ngayong Linggo ay St. John

Read More »

Homily July 26, 2026

 18,803 total reads

 18,803 total reads 17th Sunday in Ordinary Time World Day of Parents and the Elderly Fil-Mission Sunday 1 Kgs 3:5.7-12 Rom 8:28-30 Mt 13: 44-52 Sa

Read More »

Homily July 19, 2026

 24,138 total reads

 24,138 total reads 16th Sunday in Ordinary Time Wis 12:13. 16-19 Rom 8: 26-27 Mt 13:24-43 Sa pananaw ng mundo pinapakita ng tao na dahil siya’y

Read More »
Scroll to Top