284 total views

2nd Sunday of Lent Cycle A

Gen 12:1-4 2 Tim 1:8-10 Mt 17:1-9

Ang layunin ay unang nasa isip ngunit huling mararating. Kung balak nating pumunta sa Puerto Princesa, iyan ang unang nasa isip natin, na makarating sa Puerto pero pupunta muna tayo sa bus terminal ng Taytay, dadaan sa Roxas saka na makararating sa Puerto. Ang layunin natin ang nagbibigay ng direksyon kung saan tayo pupunta. Kung tayo ay nasa Taytay, mag-aabang tayo ng van papuntang Puerto at hindi papuntang El Nido.

Ngayong nasa panahon tayo ng Kuwaresma, ano ang balak natin? Ano ang layunin natin? Hindi lang tayo nag-aayuno at nag-aalay-kapwa kasi iyan ang sinasabi sa atin. Ang pagbabagong anyo ni Jesus ang nagbibigay sa atin ng direksyon. Papunta tayo sa pagbabagong buhay, isang buhay na matagumpay at maluwalhati, pero bago tayo makarating doon dadaan muna tayo sa krus, didisiplinahin muna natin ang ating sarili. Tayo nga ay hinihikayat na gumawa ng mga penitensiya at sumama sa mga dasal. Para sa ano? Upang tayo ay magkaroon ng pagbabagong buhay tulad ni Jesus.

Si Jesus noon ay papunta sa Jerusalem. Nagsimula na siyang magsalita tungkol sa mangyayari sa kanya doon, na siya ay dadakpin, papasakitan, at papatayin at muling mabubuhay. Hindi naiintindihan ng mga alagad niya ang muling pagkabuhay – wala pa namang muling nabuhay noon – pero alam nila ang ibig sabihin ng papasakitan at papatayin, at ito ang natanim sa kanilang isip. Kaya nababahala sila. Baka ang iba ay nanghihina na ang loob. Baka napapaisip na ang ilan kung tama ba na sumunod sila kay Jesus. Akala nila si Jesus ay ang matagumpay na Kristo, bakit siya mamamatay sa Jerusalem?

Doon sa bundok ng Tabor, kasama ang ilang piling mga alagad, nagbagong anyo si Jesus. Naging maluwalhati ang kanyang mukha at kasuotan. Nakita siyang nakikipag-usap kay Moises at kay propeta Elias tungkol sa mangyayari sa Jerusalem. Si Moises ay kumakatawan sa Batas na matatagpuan sa unang limang aklat ng Bibliya at si Elias naman ay kumakatawan sa mga propeta. Pinapakita sa pangitaing ito na ang mangyayari kay Jesus sa Jerusalem ay naaayon sa mga nasaad sa Banal na Kasulatan na nasa Batas ni Moises at mga propeta. Anuman ang mangyayari doon ay uuwi sa kaluwalhatian. Kaya pinasilip sa mga alagad ang kadakilaan ni Jesus. Ang lahat ay uuwi sa tagumpay. Napakaganda ng karanasan ng tagumpay at kaluwalhati na napasabi si Pedro na doon na lang sila. Huwag na silang bumaba ng bundok. Igagawa na lang sila ng mga tolda para manatili sila sa itaas ng bundok.

Pero iba ang plano ng Diyos. Pinatotohanan ng boses na mula sa alapaap na si Jesus ay ang anak ng Diyos at nalulugod ang Diyos sa kanya. Kaya makinig at sumunod sila sa kanya – saan man siya pupunta, anuman ang mangyari sa kanya. At nawala ang pangitain at bumaba na sila sa bundok at nagpatuloy na pumunta sa Jerusalem.

Sa paglalakbay natin ngayong kuwaresma sinasamahan natin si Jesus sa kanyang pagpunta sa Jerusalem kung saan siya papasakitan at papatayin. Hindi madali ang panahon ng Kuwaresma. Kailangan tayong magpenitensiya, kailangan tayong maging matulungin sa ating kapwa at kailangan tayong magbigay ng panahon sa pagdarasal. Hindi madali ang mga ito pero pinapalakas ang ating loob. Ginagawa natin ang mga ito upang makiisa tayo sa tagumpay at kaluwalhatian ni Jesus. Iyan ang ating layunin. Ang mga ito ay magdadala sa atin ng pagbabago, at magandang pagbabago! Kailangan tayong manalig na ito ay mangyayari.

Ganyan din ang hinihinging pananalig kay Abram sa ating unang pagbasa. Kailangan siyang lumisan sa kanyang bayan at iwanan ang kanyang mga kamag-anak at pumunta sa lupa na ibibigay sa kanya ng Diyos. Kailangan niyang talikdan ang kasiguraduhan ng kanyang lupain at kanyang pamilya upang matamo ang pangakong dakilang lahi at pagpapala. Hindi lang siya ang pagpapalain. Ang lahat ng bansa ay pagpapalain dahil sa kanya. Iyan ang layunin – pagpapala sa lahat pero kailangan muna siyang tumaya, kailangan muna siyang manalig, kailangan muna niyang talikdan ang nasa kanya na, ang hawak na niya. Iyan din ang hinihingi sa atin. Iwanan natin ang ating comfort zone at sumunod kay Jesus ngayong kuwaresma.

Maasahan natin siya. Ang ginagawa niya ay kalugud-lugod sa Ama. Wasto ang kanyang landas. Huwag tayong matakot at mag-alinlangan. Sinabi ni Pablo sa ating ikalawang pagbasa: “Makihati tayo sa kahirapan dahil sa Mabuting Balita at tutulungan tayo ng Diyos na nagligtas at tumawag sa atin.” Kaya ang sabi ni Jesus sa tatlong alagad ay sinasabi din niya sa atin: “Tumindig kayo at huwag kayong matakot.”

Tumindig na tayo at gawin ang mga gawain ng kuwaresma – magdasal, magpenitensiya at magkawanggawa. Huwag tayong matakot. Mararating din natin ang pagbabago. Makikiisa din tayo sa bagong buhay ni Jesus. Kung kasama natin siya sa pagkamatay sa lumang pagkatao natin, makakasama din niya tayo sa kaluwalhatian ng bagong buhay.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kultura ng pagpapanagot

 19,838 total views

 19,838 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »

Maging tapat sa taumbayan

 32,262 total views

 32,262 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Farm lots

 47,697 total views

 47,697 total views Kapanalig, usong uso na ang farm lots sa ngayon. Kapag sumilip ka sa social media, ang daming nagbebenta ng mga lupang agrikultural. May mga mahal, may mga mura. May mga rights lang na tinatawag, may mga may titulo o certificates. Madami ang nais bumili, kapanalig, kaya nga’t tumataas ng tumataas ang halaga ng

Read More »

Wage Gap

 48,937 total views

 48,937 total views Kapanalig, ang ganda ng achievement ng Pilipinas pagdating sa gender equality in education. Sa larangan kasi ng edukasyon, equal na o pantay na ang access ng babae at lalake. Sana hindi natin masayang ito kapanalig. Malaking milestone na ito pagdating sa gender issues sa ating bayan. Kaya lamang pagtapos makapag-aral ng maraming kababaihan,

Read More »

Education Equality

 58,947 total views

 58,947 total views Kapanalig, ang gender equality sa Pilipinas ay isa sa mga hinahangaan sa Asya. Itong 2023, pang 16 pa nga ang bayan sa 146 countries sa buong mundo pagdating sa gender equality, ayon sa Global Gender Gap Index Report. Pang 19 tayo dito noong 2022. Tayo ang pinaka gender equal sa Asya. Apat na

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 1,610 total views

 1,610 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 3,769 total views

 3,769 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 5,927 total views

 5,927 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | April 6, 2024

 6,277 total views

 6,277 total views First Things First | April 6, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 10, 2024

 19,747 total views

 19,747 total views 4th Sunday of Lent Cycle B Laetare Sunday 2 Chr 36:14-16.19-23 Eph 2:4-10 Jn 3:14-21 Dinasal natin sa ating pambungad na panalangin: “Sa masigasig na pagsamba at matibay na pagsampalataya ang Sambayanang Kristiyano ay makadulog nawang masaya sa pagdiriwang ng dakilang kapistahan ng Pagkabuhay.” Nasa ikaapat na Linggo na tayo ng Kuwaresma. Sana

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 3, 2024

 20,176 total views

 20,176 total views 3rd Sunday of Lent Cycle B Ex 20:1-17 1 Cor 1:22-25 Jn 2:13-25 Kilala natin si Jesus na isang taong malumanay, mapagpatawad at mapagpasensya. Siya ay matulungin sa nangangailangan at madaling lapitan. Pero kakaibang Jesus ang napakinggan natin ngayon sa ebanghelyo. Pinagtabuyan niya ang mga taong nagtitinda sa templo, hinagupit ang kanilang mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 25, 2024

 24,220 total views

 24,220 total views 2nd Sunday of Lent Cycle B Gen 22:1-2.9.10-13,15-18 Rom 8:31-34 Mk 9:2-10 Hindi madali ang panawagan sa atin ng kuwaresma kung talagang seseryosohin natin itong gawin. Kailangan nating kalabanin ang tukso na palaging lumalapit sa atin. Kailangan nating tanggihan ang ating sariling hilig lalo na iyong nakakasama naman sa atin. Kailangan tayong maglaan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 20, 2024

 26,976 total views

 26,976 total views First Things First | February 20, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 19, 2024

 26,976 total views

 26,976 total views First Things First | February 19, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 18, 2024

 26,958 total views

 26,958 total views First Things First | February 18, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 18, 2024

 30,459 total views

 30,459 total views Homily February 18, 2024 1st Week of Lent Gen 9:8-15 1 Pet 3:18-22 Mk 1:12-15 Ang panahon ng Kuwaresma ay panahon ng pagpapahalaga ng ating binyag. Minsan lang tayo bininyagan pero ang katotohanan ng binyag ay ating isinasabuhay sa bawat sandali ng ating buhay. Dahil sa binyag, nagkaroon tayo ng bagong buhay. Nakiisa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 17, 2024

 26,958 total views

 26,958 total views First Things First | February 17, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 16, 2024

 26,953 total views

 26,953 total views First Things First | February 16, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 15, 2024

 26,953 total views

 26,953 total views First Things First | February 15, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 14, 2024

 26,954 total views

 26,954 total views First Things First | February 14, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top