Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Human Trafficking

SHARE THE TRUTH

 1,364 total views

Ang salot ng human trafficking, kapanalig, ay kay hirap mawaksi sa lipunan, lalo na sa mga bansang mahirap gaya ng Pilipinas.
Ayon sa report ng United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC), ang human trafficking ay ang sapilitang pagkuha o pag-recruit sa mga tao at pagdala sa kanila sa ibang lugar kung saan sila ay pinagsasamantalahan.
Kadalasan, nakukuha ang mga biktim ng human trafficking sa pamamagitan ng panlilinlang: sa mga pangako ng mas magandang trabaho at mas maayos na buhay. Ang iba ay sapilitang kinukuha, tinatakot, o binabayaran. Ang mga biktima ng human trafficking, ayon sa UNODC ay kadalasan nilalagak sa prostitusyon o sapilitang pagtatrabaho, at pang-aalipin.
Kapanalig, mataas pa rin ang bilang ng human trafficking sa loob at labas ng bansa. Tinatayang umaabot ng 200 milyong tao sa buong mundo ang nasa ilalim ng control ng mga human traffickers. Mga 30 milyon dito ay mga babae at bata mula sa Southeast Asia. Ayon naman sa Coalition Against Trafficking of Women-Asia Pacific, mga 300,000 hanggang 500,000 ang mga babaeng biktima ng human traffkcing sa bansa. Sila ay karaniwang sinasadlak sa mga prostitution rings. Mga 30% dito ay mga minors lamang. Marami sa kanila ay galing sa mga rural areas, hanggang high school lamang ang naabot, at mula sa pamilyang may anim hanggang labing-isang kasapi. Mga 75% ng mga kababaihang ito ay biktima rin ng sexual abuse. May mga ethnic groups na nabibiktima rin ng human trafficking, gaya ng B’laan, T’Boli, Kaulo, while the Moslems are Maranao, Mandaya, Badjao, Sama, Manobo and Lumad.
Kapanalig, ito ang nakakalungkot sa ating bansa ngayon. Ang ating mga pinuno ay tila kulang na kulang ang proteksyon ang binibigay sa mga mamamayan nito. Ano nga ba ang mga programa ng nasyonal at mga lokal na pamahalaan upang mabigyan proteksyon ang mga kababaihan at kabataan nito mula sa mga krimen gaya ng human trafficking?
Kalunos lunos ang sitwasyon ng mga biktima ng krimen na ito. Tinatanggal nito ang dignidad ng tao, kasama ng kanyang pag-asa sa mas matiwasay na buhay. Ang pagpaparaya sa ganitong sitwasyon ay dapat maituring na krimen din, kapanalig.
Si Saint Pope John Paul II ay may pahayag ukol sa krimen na ito. Gisingin sana tayo nito: “Ang pagbebenta ng tao ay isang “shocking offense” – matinding paglabag sa karapatang pantao. Ito ay napakalaking sala sa batayang “values” ng lahat ng kultura ng tao. Ang pagdami ng insidente ng pagbebenta ng tao ay isa sa mga pinakamalaking isyu ng mundo ngayon. Ito ay malaking banta sa seguridad ng tao at ng bayan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 22,987 total views

 22,987 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 37,047 total views

 37,047 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 55,618 total views

 55,618 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 80,312 total views

 80,312 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

THEATRE OF THE ABSURD

 22,988 total views

 22,988 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 37,048 total views

 37,048 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 55,619 total views

 55,619 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 80,313 total views

 80,313 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 71,429 total views

 71,429 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »

GEN Z PROBLEM

 95,127 total views

 95,127 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 103,839 total views

 103,839 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 107,470 total views

 107,470 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 110,026 total views

 110,026 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »
1234567