Pagkansela sa mining contract ng APMC,panawagan ng mga residente ng Sibuyan island

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 50,103 total reads

Muling nanawagan ang mga residente ng Sibuyan Island sa Romblon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na agarang kanselahin ang mining contract ng Altai Philippines Mining Corporation (APMC), kasabay ng paggunita sa ikatlong anibersaryo ng pagbabarikada laban sa operasyon ng kumpanya.

Ayon kay Sibuyanons Against Mining (SAM) coordinator Elizabeth Ibañez, halos isang taon na ang nakalipas mula nang ihain nila ang petisyon para sa kanselasyon ng kontrata, ngunit wala pa ring malinaw na tugon mula sa DENR.

Iginiit ni Ibañez na ang paggunita sa anibersaryo ng barikada ay sumasalamin sa matibay na paninindigan ng mga komunidad laban sa pagmimina.

“We will continue to resist in the barricades and elsewhere until Altai Mining is permanently booted out of our island,” giit ni Ibañez.

Nabahala naman si Living Laudato Si’ Philippines executive director Rodne Galicha, tungkol sa patuloy na pagbalewala ng DENR na tugunan ang kanilang petisyon.

Sinabi ni Galicha, lumabag ang Altai Mining sa ilang batas, kabilang ang pagtatayo ng mga istrukturang walang Environmental Compliance Certificate, kawalan ng foreshore lease agreement, at pagputol ng mga puno nang walang permit, dahilan upang maglabas ang DENR ng cease and desist order.

“Despite the violative and illegal activities of mining companies, President [Ferdinand] Marcos, Jr. has consistently chosen to uphold large-scale mining operations over the welfare of the people and environment,” dagdag ni Galicha.

Samantala, iginiit naman ni Alyansa Tigil Mina national coordinator Jaybee Garganera, na malinaw sa karanasan ng Sibuyan na pagpapanggap lamang ang konsepto ng responsableng pagmimina.

Aniya, ipinapakita ng nangyayari sa Sibuyan Island na walang tunay na paninindigan ang pamahalaan upang papanagutin ang mga lumalabag na kumpanya.

“In short, environmental destruction and human rights violations in mining communities are deemed acceptable by this government,” pahayag ni Garganera.

Itinatag ng mga residente ang barikada noong January 24, 2023 upang pigilan ang transportasyon ng nickel ore ng Altai Mining, at iginiit ang ilegal na operasyon ng kumpanya.

Noong March 4, 2025, naghain ng pormal na petisyon ang mga community leader sa DENR upang kanselahin ang Mineral Production Sharing Agreement (MPSA) ng kumpanya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 129,834 total reads

 129,834 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 163,163 total reads

 163,163 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 195,307 total reads

 195,307 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 261,370 total reads

 261,370 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 272,220 total reads

 272,220 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 122,966 total reads

 122,966 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top