Hustisya sa ginahasang OFW sa Kuwait, hamon ng CHR sa DFA at DOLE.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 290 total views

Nasasaad sa social doctrine of the church na maraming mamamayan ng mahihirap na bansa ang nakikipagsapalaran sa ibayong dagat na kinakailangan i-trato ng tama gaya ng pagbibibay ng sapat na benepisyo, paggalang sa kanilang karapatang pantao at maging bahagi ng komunidad.

Sa ganitong konteksto ay kinundina ng isang Commissioner ng Commission on Human Rights ang sinapit ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) na binugbog at hinalay ng isang airport security personnel sa Kuwait.

Ayon kay CHR Commissioner Gwendolyn Pimentel-Gana na nangangasiwa sa Migrant Workers’ Rights ng kumisyon, mahalagang mabigyan ng katarungan ang sinapit ng Filipina sa mismong paliparan ng Kuwait.

Kaugnay nito, nanawagan ang opisyal sa pamunuan ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Labor and Employment (DOLE) upang matiyak ang kapakanan, kaligtasan at karapatan ng mga OFW hindi lamang sa Kuwait kundi maging sa iba’t ibang bansa.

“We condemn this act of sexual violence allegedly committed by no less than a member of the Kuwait airport personnel. We seek justice in her behalf, and urge the Department of Foreign Affairs and the Department of Labor and Employment to ensure that our aggrieved OFW’s rights are protected and upheld…” pahayag ni Pimentel-Gana.

Iginiit ni Gana na dapat arestuhin at maparusahan ang 22-taong gulang na suspek na kinilalang si Fayed Naser Hamad Alajmy na responsable sa sinapit ng OFW matapos.

Samantala, tiniyak naman ni Gana ang masusing pakikipag-ugnayan ng kumisyon sa DFA at DOLE upang matiyak na mabibigyang seguridad ang kapakanan at karapatan ng biktima.

“Definitely, my office at the CHR will closely monitor the case. We will coordinate closely with the DFA and DoLE to ensure that the rights of the victim are protected,” Dagdag pa ni Pimentel-Gana.

Kaugnay nauna nang binigyang diin ni Balanga Bishop Ruperto Santos, Chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) na mahalagang matiyak ng pamahalaan na tupdin at hindi lumabag ang pamahalaan ng Kuwait sa nilagdaang kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa.

Matatandang ika-11 ng Mayo taong 2018 ng nilagdaan ng pamahalaan ng Pilipinas at Kuwait ang kasunduan para mapangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga OFW kung saan nakapaloob rin dito ang pagkakaroon ng special police unit na tutulong sa embahada ng Pilipinas para sa pagsasagawa ng mga rescue operations sa mga OFW na mangangailangan ng tulong.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 123,015 total views

 123,015 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 247,426 total views

 247,426 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 287,031 total views

 287,031 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 359,937 total views

 359,937 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top