Huwag gawing normal ang kultura ng corruption, paalala ni Bishop Pabillo sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,673 total views

Umapela si Taytay Bishop Broderick Pabillo, chairperson ng CBCP Office on Stewardship, sa mga Pilipino na huwag gawing normal ang kultura ng korapsyon na patuloy na sumisira sa lipunan at naglalagay sa alanganin sa buhay ng mamamayan.

Sa kanyang pastoral na liham, binigyang-diin ng obispo na malinaw na ang katiwalian ay hindi kailanman katanggap-tanggap.

“Huwag nating tanggapin na kalakaran na ang korapsyon — ito ay pagnanakaw sa buwis ng taumbayan,” ani Bishop Pabillo.

Binigyang diin ng obispo na ang pondo ng bayan ay dapat nakalaan sa mga pangunahing serbisyo tulad ng ospital, maayos na kalsada, tubig, at kuryente—ngunit nananatiling kulang dahil sa maling paggamit at pamumulitika.

Sa kanyang mga pastoral visit sa malalayong lugar ng Northern Palawan, personal nasaksihan ng obispo ang mga pamayanang walang sapat na pasilidad at hindi nabibigyan ng tamang atensyon ng pamahalaan.

Dagdag pa ni Bishop Pabillo, hindi magiging maayos ang takbo ng pamahalaan kung ang mga nasa puwesto ay nakuha lamang ang kanilang kapangyarihan sa pamimili ng boto.

Mariin ding kinondena ng obispo ang tinatawag na SOP o “Standard Operating Procedure” sa mga proyekto at programa ng gobyerno na aniya’y malinaw na gawain ng kasamaan.

Binigyang-diin din ni Pabillo ang panganib ng political dynasty na nagpapalala ng sistematikong korapsyon sa bansa.

“Kung gusto nating mabawasan ang korapsyon, huwag na tayong bumoto ng mga magkamag-anak,” giit ng obispo.

Kaugnay nito, tinukoy ng obispo ang Trillion Peso March na isinagawa noong Setyembre 21 bilang patunay ng pagkakaisa ng taumbayan laban sa katiwalian.

“Magbabago ang bansa kung mawawala ang korapsyon — dapat singilin ang mga namumuno,” dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Samantala, kasalukuyang iniimbestigahan ng Kongreso ang multibillion-peso ghost at substandard flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH), gayundin ang mga bilyong pisong insertions ng mga mambabatas sa national budget.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 21,176 total views

 21,176 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 195,110 total views

 195,110 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 172,743 total views

 172,743 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 236,128 total views

 236,128 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 254,389 total views

 254,389 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top