Sakripisyo ng mga Pilipinong sa ibayong dagat, kinilala ng Stella Maris Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,838 total reads

Kinilala at nagpasalamat ang Stella Maris Philippines sa sakripisyo ng mga Overseas Filipino Worker (OFW), Filipino Migrants at Seafarers sa ibayong dagat upang maitaguyod ang kanilang pamilya at Pilipinas.

Ito ang ipinaabot na mensahe Antipolo Bishop Ruperto Santos – Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) Bishop Promoter ng Stella Maris Philippines sa pagdiriwang ng National Migrants Sunday sa September 28.

Pinuri ni Bishop Santos ang patuloy ng sakripisyo ng sektor upang makapagbigay ng magandang buhay sa kanilang pamilya na kasabay ng pagpapalakas sa ekonomiya ng Pilipinas.

“To our migrant workers: you are not forgotten. You are the lifeblood of our nation, the silent heroes who build bridges across continents while holding fast to your faith and culture. Your sacrifices are sacred. Your tears are seen by God. And your courage inspires us to keep fighting for a Philippines that is just, compassionate, and worthy of its people.” ayon sa mensaheng pinadala ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Tiniyak ng Obispo sa mga OFW, Filipino Migrants at Seafarers na kasama nila ang simbahan sa anumang pagkakataon at pakikibaka sa buhay.

Kaakibat nito ang pangangalaga ng simbahan sa buhay espiritwal at kapakanan ng naiwang mga mahal sa buhay sa Pilipinas.

“The Church stands with you. Christ walks with you. And together, we will reclaim the promise of our nation. May the Blessed Virgin Mary, herself a migrant in her journey to Bethlehem and Egypt, intercede for all our migrant brothers and sisters. And may the Holy Spirit renew our land with justice, peace, and hope, With paternal love and blessing, I remain, Your servant in Christ”, ayon pa sa mensaheng pinadala ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Taun-taon ginugunita ang Migrants Sunday sa mga parokya sa buong Pilipinas, kasabay ng World Day of Migrants and Refugees na ngayong taon ay itinakda ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People sa temang ‘Migrants, Missionaries of Hope’, upang ipanalangin ang mga OFWs, bigyang suporta ang kanilang pamilya at mapalaganap ang wastong kaalaman laban sa human trafficking at illegal recruitment.

Sa datos ng Department of Foreign Affaits noong 2024, umaabot sa 10.8-Million ang bilang ng mga Pilipinong nasa ibagyong dagat, sa bilang ay naitala ng Philippine Statistics Authority na umaabot naman sa 2.16 million ang bilang ng mga OFW, habang ayon sa Department of Migrant Workers, umaabot naman sa 500-thousand ang bilang ng mga Filipino Seafarers na naglalayag sa ibayong dagat.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 93,327 total reads

 93,327 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 170,490 total reads

 170,490 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 203,938 total reads

 203,938 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 239,237 total reads

 239,237 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 462,131 total reads

 462,131 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top