Mamamayang Pilipino, hinimok ng mga Obispo na huwag kalimutan ang “floodgates” scandal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,801 total reads

Pinatibay ng simbahan ang paninindigan laban sa katiwalian na lubhang nagpapahirap sa mga Pilipino.

Sa pananalasa ni super typhoon Nando, ipinaalala ni San Fernando Bishop Daniel Presto sa mga Pilipino na huwag kalimutan ang nabunyag na katiwalian sa mga flood control projects ng pamahalaan na kinasasangkutan ng mga mambabatas, opisyal ng DPWH at mga kaanak at kaalyadong kontraktor.

Hinimok ni Bishop Presto ang mamamayan na patuloy na manindigan at kumilos para matigil na ang pangungurakot sa kaban ng bayan.

Nanawagan ang Obispo sa taumbayan na sama-samang iparating ang boses sa mga kinauukulan na panagutin ang mga sangkot sa katiwalian.

“Hindi na tayo dapat manahimik na lamang, kundi dapat natin iparating ang ating tinig sa mga kinauukulan. Ito na naman ang mga malakas na ulan, heto na naman ang pagbaha, huwag nating kalilimutan ang ginawa ng mga sangkot dito, dapat ay papanagutin sila, huwag sana nating kalilimutan ang mga taong nasa likod ng mga ma-anomalyang flood control projects sa mga darating na halalan, hawag na natin silang ihahalal muli, kahit na bigyan tayo ng malaking halaga kapalit ng ating boto, huwag nating kalilimutan na magdasal at humingi ng tulong sa Poong Maykapal,” ayon sa mensaheng pinadala sa Radyo Veritas ni Bishop Presto.

Sa kanyang mensahe para sa National Migrants Sunday, iginiit ni Antipolo Bishop Ruperto Santos na napapanahon ng matapos ang kultura ng katiwalian na naging sanhi ng pangingibang bansa ng maraming Pilipino para makahanap ng magandang kinubukasan.

Dahil sa katiwalian, napipilitan ang maraming Pilipino na maghanap buhay sa ibayong dagat dahil sa kawalan ng kabuhayan sa bansa.

Ayon sa Obispo, dapat inuuna ng pamahalaan ang ikabubuti ng pinagsisilbihang mamamayan sa halip na napupunta sa katiwalian.

“We cannot ignore the painful realities that drive many of our kababayan to leave. The political and economic turmoil in our country, fueled by corruption and injustice, has wounded our people deeply. It has eroded trust, stolen livelihoods, and dimmed the light of possibility for many. Yet even in this darkness, the light of Christ continues to shine,” pahayag ni Bishop Santos

Apela nina Bishop Santos at Bishop Presto sa mamamayan na huwag kalimutan ang “floodgates” scandal at huwag nang iboto ang mga pinunong inuuna ang bulsa kaysa serbisyo publiko.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 47,005 total reads

 47,005 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 162,871 total reads

 162,870 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 248,240 total reads

 248,240 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 294,980 total reads

 294,980 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 342,847 total reads

 342,847 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 438,745 total reads

 438,745 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 48,054 total reads

 48,054 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »
Scroll to Top