Huwag gumamit ng plastic campaign materials, panawagan ng Obispo sa lahat ng kandidato

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,565 total views

Hinikayat ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang lahat ng mga kakandidato sa 2025 Midterm National and Local Elections na iwasan ang paggamit ng mga plastic campaign materials.

Binigyang diin ng obispo na bahagi ng paglilingkod sa bayan ang pangangalaga sa kalikasan kaya’t dapat itong isaalang-alang sa pangangampanya.

“An essential aspect of public service is caring for the environment. I urge all candidates for public office to thoughtfully choose biodegradable cloth tarps instead of plastic ones,” ayon sa pahayag ni Bishop Uy.

Aniya dapat ipakita ng mga kakandidato ang kanilang political will sa panahon ng kampanya sa pagbibigay tuon sa kasalukuyang sitwasyon mundo na nahaharap sa matinding epekto ng climate change.

Sa October 1 hanggang 8 itinakda ng Commission on Elections ang paghahain ng kandidatura ng mga nagnanais kumandidato sa halalan sa susunod na taon.

Bagamat nakatakda sa February 11, 2025 ang simula ng 90-day campaign period ng national candidates at March 28, 2025 naman ang 45-day campaign ng local candidates ay kapansin-pansin naman sa mga pangunahing lansangan ang iba’t ibang campaign posters ng mga naghahangad magpapili sa eleksyon.

Sa nakalipas na 2022 National Elections naitala ng 20 toneladang plastic campaign materials ang nakolekta araw-araw ng Metro Manila Development Authority.

Matatandaang sa 2018 report ng United Nations Environment Programme isa ang Pilipinas sa limang mga bansang nakadadagdag sa plastic pollution sa karagatan. Sa datos naman ng Global Alliance for Incinerators Alternatives 48 million plastic bags ang average na ginagamit ng mga Pilipino araw-araw o katumbas sa 17.5 bilyong piraso kada taon.

Dahil dito patuloy ng panawagan ng simbahang katolika na suportahan ang single-use plastic ban sa bansa gayundin ang pagiging responsableng mamamayan sa pagtatapon ng kanilang mga basura.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 14,525 total views

 14,525 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 36,530 total views

 36,530 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 60,872 total views

 60,872 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 84,835 total views

 84,835 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 119,556 total views

 119,556 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top