Huwag kalimutan ang marahas na pamumuno ni Marcos sa bansa, paalala ni Bishop Pabillo sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,043 total reads

Pinaalalahan ni Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo na huwag kalimutan ang kasaysayan ng pamumuno ng dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Ito ang mensahe ng Obispo kaugnay sa ika-36 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution na nagbunsod sa pagpapaalis at pagpapahinto sa administrasyon ng diktadurang Marcos.

Ayon kay Bishop Pabillo, mahalagang alalahanin ng bawat Filipino ang mga nangyari sa loob ng 14 na taong pag-iral ng Martial Law kung saan marami ang nakaranas ng pananakot, panlilinlang, at pananamantala.

“Mahalaga pong hindi tayo makalimot upang hindi maulit na tayo ay pagsamantalahan ng pamilyang Marcos,” bahagi ng pastoral letter ni Bishop Pabillo.

Sinabi ng Obispo na mula nang mapatalsik sa pwesto ang diktadurang Marcos, lalong lumabas ang maraming pang-aabusong ginawa ng dating pangulo at ng kanyang pamilya sa bansa.

Kabilang na rito ang pagkakalugmok ng bansa sa utang na magpahanggang-ngayon ay patuloy na binabayaran ng taumbayan.

“Mula noong 1986 hanggang 2019, ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) ay naka-recover na nang 171-billion pesos ng ill-gotten wealth mula sa mga Marcoses at sa kanyang mga cronies. At mayroon pang 125 billion pesos na dapat i-recover,” ayon sa liham pastoral.

Maliban dito, naranasan rin ng mga Filipino noong panahon ng Martial Law ang pagpapahirap at extrajudicial killings.

Batay sa tala ng Task Force Detainees of the Philippines at iba pang human rights monitoring group, nasa higit-3,000 katao ang pinaslang, 35-libo ang nakaranas ng pagpapahirap o torture, 77-katao ang nawawala, habang nasa 70-libo ang nabilanggo nang walang dahilan.

Giit ni Bishop Pabillo na mula sa mga karanasang ito noong panahon ng Batas Militar, nawa’y patuloy na alalahanin ang matapang na paninindigan ng mga Filipinong nakibahagi sa tinaguriang mapayapang rebolusyon upang muling makamtan ng bansa ang kalayaan.

Gayundin ang patuloy na pananalangin para sa bayan lalo’t nalalapit na ang 2022 National and Local Elections.

“Kaya huwag tayong magpalinlang. Alalahanin natin ang EDSA 1986. Pahalagahan natin ang katotohanan ng kasaysayan,” saad ni Bishop Pabillo.

Ang Radio Veritas ang tanging himpilan na naging daan sa panawagan ng noo’y si Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin para sa sama-samang pagdarasal at pagtitipon sa EDSA na nagbunsod sa pagpapatalsik sa diktadurang Marcos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 56,411 total reads

 56,411 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 135,704 total reads

 135,704 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 169,149 total reads

 169,149 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 204,447 total reads

 204,447 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 428,706 total reads

 428,706 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 157,176 total reads

 157,176 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top