Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Huwag samantalahin ang Pinoy resiliency

SHARE THE TRUTH

 441 total views

Mga Kapanalig, matinding pag-ulan ang naranasan ng ating bansa, lalo na rito sa Luzon, nitong mga nakaraang linggo. Dumaan ang mga Bagyong Dodong, Egay, at Falcon, at sa pagdaan nila, hinatak din nila ang hanging habagat na nagdala ng matinding pag-ulan sa mga lugar na hindi direktang tinamaan ng mga bagyong ito. Nag-iwan ang tila walang humpay na pag-ulan ng malawakang pagbaha, pagguho ng lupa, flashflood, at matinding trapik.  

Sa kabila ng perwisyong iniwan ng mga kalamidad na ito, hindi napigilan ng ilan nating kababayang idaan ang mga ito sa katuwaan. Sa isang bansang gumón sa paggamit ng social media, kasimbilis ng pagtaas ng tubig-baha ang mga post at video kung saan ipinakikita ng mga kababayan natin kung paano nila inaaliw ang kanilang sarili sa gitna ng kanilang nararanasan. Sa isang video, halimbawa, masayang iminuwestra ng isang kababayan natin ang iba’t ibang level ng baha sa kanilang lugar—mula level one na hanggang hita lamang hanggang sa level five na lampas leeg.

May mga nagsasabing pagpapakita ito ng ating “resiliency” o katatagan sa harap ng kalamidad. Nakukuha nating tawanan ang ating mga problema at ang mga bagay na nakapeperwisyo sa atin. Hinahanapan natin ng “positive vibes”, ‘ika nga, ang mga nakalulungkot o nakapapagod na pangyayari. Hinahangaan natin ang mga kababayan nating apektado na nga ng bagyo at pagbaha, ngunit nagagawa pa ring ngumiti sa harap ng camera. 

Makitid ang ganitong pag-unawa sa salitang “resiliency”. Tumutukoy ang resiliency sa kakayahan nating makabangon agad o makapag-adjust sa kasawian o pagbabago. Hindi ito naipakikita lamang sa pagiging masayahin at mistulang pagtanggap natin sa ating kalagayan tuwing may kalamidad kahit pa paulit-ulit itong nangyayari. Hindi ito naipakikita lamang sa mabilis nating pag-move on pagkatapos ng masamang pangyayari sa ating buhay. 

Ang makitid na pag-unawa sa salitang “resiliency” ang sinasamantala naman ng mga may pagkukulang sa kanilang responsabilidad na tiyaking ligtas ang mga mamamayan sa panahon ng kalamidad, at, una sa lahat, hindi makaranas ng matinding hirap ang mga tao anuman ang panahon. Ang mababaw na pagpapakahulugan sa resiliency ay nagiging daan upang malihis ang ating atensyon sa mabagal na paghahatid ng tulong sa mga nasalanta katulad ng mga magsasakang nawalan ng kabuhayan at mga mangingisdang hindi makapalaot. Nagiging daan ito upang hindi na natin hanapin ang ating mga lider at alamin ang kanilang mga planong gawin. Nagiging daan ito upang hindi na usisain ng publiko ang mga malalalim na dahilan kung bakit matindi ang pagbaha sa kanilang lugar katulad ng palpak na mga imprastraktura, kabiguang pigilan ang pagsira sa kagubatan, at hindi maayos na pangungulekta ng basura. Salamat sa makitid na pag-unawa sa resiliency, naiiwasan ng ating mga lider ang mga puna at batikos ng taumbayan. 

Nauunawaan naman natin kung mas pinipili ng marami sa atin, lalo na ng mga naapektuhan ng kalamidad, na dumiskarte na lamang—at maging positibo—sa harap ng paghihirap. Ngunit hindi sana tayo masanay sa ganito. Nagiging hadlang ito sa tinatawag ng ating Simbahan na common good o kabutihang panlahat. Umiiral ang kabutihang panlahat kapag ang mga kalagayan sa ating lipunan ay nagbibigay ng pagkakataon sa lahat upang makapamuhay nang ganap. Samakatuwid, dapat nating isaalang-alang din ang kapakanan ng ating kapwa, bagay na hindi natin magagawa kapag tahimik tayo sa mga kakulangan ng gobyerno at kapag tinatanggap na lamang natin ang ating pagtitiis, kagaya sa tuwing may kalamidad. 

Mga Kapanalig, habang tinutulungan natin ang isa’t isang bumangon sa sunud-sunod na kalamidad sa ating bansa, huwag nating kalimutang may gobyerno tayo. Kaakibat ng sinasabi sa 1 Pedro 2:13 na “pasakop [tayo] sa lahat ng may kapangyarihan sa bayan” ang tungkulin nating papanagutin sila sa kanilang mga pagkukulang. 

Sumainyo ang katotohanan.  

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 16,476 total views

 16,476 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 23,957 total views

 23,957 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 37,097 total views

 37,097 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 43,070 total views

 43,070 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 48,824 total views

 48,824 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 16,477 total views

 16,477 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 23,958 total views

 23,958 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 37,098 total views

 37,098 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 43,071 total views

 43,071 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 48,825 total views

 48,825 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 41,277 total views

 41,277 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 42,361 total views

 42,361 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 37,742 total views

 37,742 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 49,746 total views

 49,746 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 57,788 total views

 57,788 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 49,345 total views

 49,345 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 47,770 total views

 47,770 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 49,556 total views

 49,556 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 46,481 total views

 46,481 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 60,795 total views

 60,795 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top