I am very grateful to all the catechists: they are good.

SHARE THE TRUTH

 15,008 total views

I am very grateful to all the catechists: they are good.

Ito ang mensahe ng Kanyang Kabanalan Francisco bilang pagkilala sa mga katekista na katuwang ng simbahan sa pagmimisyon.

Sa pakikipagpulong ni Pope Francis sa mga lingkod ng simbahan sa Indonesia na ginanap sa Cathedral of Our Lady of the Assumption binigyang pugay nito ang mga katekista dahil sa natatanging gawain ng ebanghelisasyon.

“The catechists carry the Church forward. They are the ones who move forward first, followed by the nuns, then the priests and the bishop. But the catechists are at the front, they are the driving force of the Church,” bahagi ng mensahe ni Pope Francis.

Ibinahagi ni Pope Francis ang kanyang karanasan sa pakikipagpulong sa pangulo ng isa sa mga bansa sa Africa kung saan bininyagan ito ng kanyang ama na isang katekista.

Sinabi ng santo papa na patunay lamang ito na sa nagsisimula sa tahanan ang pagpapalaganap ng pananampalataya sa pamamagitan ng mga magulang na nagsisilbing unang guro at katekista sa kanilang mga anak.

“The catechists, together with the mothers and grandmothers, pass on the faith,” ani Pope Francis.

Napapanahon ang mensahe ni Pope Francis sa mga katekista lalo’t ipinagdiriwang ng Pilipinas ang National Catechetical Month ngayong Setyembre sa temang ‘Praying Catechists: Pilgrims of Hope in Synodality towards the Implementation of Antiquum Ministerium.’

Kasalukuyang pinamunuan ng CBCP – Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education ang pagdiriwang ng catechetical month bilang paggunita kay San Lorenzo Ruiz sa September 28, na pintakasi ng mga katekista at unang Pilipinong santo na pinaslang dahil sa paninindigan at pagbabahagi ng pananampalataya sa lipunan.

Batay sa datos ng National Catechetical Studies may humigit kumulang sa 50-libo lamang ang mga katekista sa Pilipinas na katuwang sa pagtuturo sa 80-milyong katoliko sa bansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 15,235 total views

 15,235 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 47,900 total views

 47,900 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 53,045 total views

 53,045 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 95,152 total views

 95,152 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 110,666 total views

 110,666 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Marian Pulgo

50-pesos na wage hike, binatikos

 8,573 total views

 8,573 total views Nilinaw ni Kamanggagawa Partylist Representative Elijah San Fernando na hindi dapat ikatwiran ang maliliit na negosyo upang hadlangan ang isinusulong na legislated wage

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top