Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

IATF restrictions sa Simbahan, labag sa religious freedom at separation of church and state

SHARE THE TRUTH

 53,388 total views

Tiniyak ng pinuno ng Arkidiyosesis ng Maynila na ipagpapatuloy ang mga pampublikong misa at mga gawaing simbahan ngayong Semana Santa maging ang pagdiriwang ng Linggo ng Pagkabuhay.

Ito ay sa kabila ng inilabas na bagong alituntunin ng Inter-agecny Task Force na pagbabawal sa mga religious mass gatherings dahil sa pagtaas ng kaso ng iba’t ibang variants ng novel coronavirus.



“So, dyan mali na sila at hindi dapat tayo sumunod sa ganiyang pamamalakad na walang konsultasyon and it somehow breaks the separation of church ang state, sila ang nagseseparate ngayon. Sila na ang tumatanggi sa separation at yan ang sinasabi na hindi pwedeng pagbawalan ng state ang religious activities within their own ambient,” ayon sa pahayag ni Bishop Pabillo sa programang Barangay Simbayanan Apostolic visit on-air ng Radio Veritas.

Ayon kay Manila Apostolic Bishop Broderick Pabillo, nilabag ng IATF ang religious freedom at separation of church and state dahil sa paglalabas ng kautusan nang walang konsultasyon.



“Kaya tuloy tayo sa ating activities. Limited na mayroon tayong social distancing, tuloy tayo sa ating online activities, ini-encourage natin pero kung sinong faithful na gustong um-attend within our limits at tayo ang maglilimit sa loob ng simbahan natin hindi sila, ipagpapatuloy natin,” ayon kay Bishop Pabillo.

Base sa inilabas ng kautusan ng IATF, 10 katao lamang ang papayagang makapagsimba sa mga parokya sa ilalim ng General Community Quarantine na umiiral sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal o tinawag na NCR+.

Iginiit ni Bishop Pabillo, tuloy ang mga pagdiriwang sa mga parokya at sa pamamagitan ng online activities para sa mamamayan na nais na tumanggap ng Eukaristiya.



Tiniyak din ng obispo na itatakda rin ng simbahan ang mga nararapat na limitasyon at safety health standard para na rin sa kaligtasan ng publiko mula sa nakakahawang sakit.

“Dapat magsalita tayo at saka we believe religious services are essential services, they may not be essential economically but they are very essential to our well-being,” dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Sa huling ulat ng Department of Health (DoH), naitala sa higit walong libo ang kaso ng covid-19 kahapon kabilang na ang mga mutated cases o variants ng virus.



Dagdag pa ni Bishop PAbillo, “Wala tayong inorganize na activities outside the church, ‘yan sa loob ng simbahan lang. At yan ay mahalaga para sa atin, we have to serve our own faithful, if the faithful feel they need to be in touch with God lalung-lalu na sa komunyon sa banal na misa sa mga activities na ito within the limit that we set at hindi sila.”

Sa nakalipas na malakihanng pagdiriwang ng simbahan tulad ng simbang gabi at traslacion ay lumabas sa pag-aaral na hindi ito naging dahilan sa pagtaas ng bilang ng mga nahawaan ng virus.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 22,208 total views

 22,208 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 42,935 total views

 42,935 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 51,250 total views

 51,250 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 69,661 total views

 69,661 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 85,812 total views

 85,812 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Related Story

Latest News
Veritas Team

AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos

 18,732 total views

 18,732 total views AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos “Saksi ko ang langit at lupa na ngayo’y inilahad ko sa inyo ang buhay at kamatayan, ang

Read More »
Cultural
Veritas Team

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 101,278 total views

 101,278 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top