Ibat-ibang laro sa Hungary at Finland, itatampok sa Euro Village

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,677 total reads

Itatampok ng Hungary at Finland ang mga pangunahing laro ng kanilang mga bansa sa gaganaping Euro Village sa June 3 at 4.

Ipakikilala ng Hungary ang tanyag na ‘Teqball’ na isang uri ng football-based sport na kahalintulad ng table tennis.

Sinimulan ng Hungary ang gender-based equitable game noong 2012 na maaring ng dalawa o apat na pares ng manlalaro.

“The sport follows a points-based scoring format and can be played on various surfaces such as sand, acrylic or indoors. It allows players a maximum of three touches before returning the ball to the opponent, so if you can juggle a football three times, you will excel at teqball,” bahagi ng pahayag ng EU.

Pinasimulan ang Teqball ng tatlong football enthusiast na sina Gábor Borsányi; György Gattyán; at Viktor Huszár.

Samantala ipapamalas naman ng Embassy of Finland ang larong Molkky na isang Finnish throwing game na kahalintulad ng bowling.

Ito ay hango sa salitang ‘polkky’ o ‘block of wood’ na pinasimulan ng Lahden Paikka – na dating Tuoterengas noong 1996.

“Mölkky is a game that requires both skill and precision, but also a strategical mindset,” anila.

Tanyag din ang Molkky World Championship na nilalahukan ng 200 teams taon-taon.

Bukod sa dalawang laro tampok din sa Euro Village ang iba’t ibang sining, musika,pagkain at inumin ng Europa.

Gayundin ang pagtuturo ng European language tulad ng French, German, Italian at Spanish.

Lalahok sa isasagawang Euro Village sa Capitol Commons Park sa Pasig City ang mga bansang Belgium, Czech Republic, Denmark, Germany, Spain, France, Italy, Hungary, the Netherlands, Poland, Austria, Romania at Finland habang may natatanging pagtatampok din ng kultura ng Ukraine bilang pakikiisa sa bansa na patuloy nakikipaglaban sa pananakop ng Russia

Katuwang ng EU sa programa ang Green Space, Scholars of Sustenance Philippines at EcoNest bilang kaisa sa pagtataguyod ng sustainable lifestyle at pagbabawas ng greenhouse emissions.

Bukas ang Euro Village mula alas kuwatro ng hapon hanggang alas dose ng hatinggabi na maaaring bisitahin ng publiko.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 21,186 total reads

 21,186 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 126,885 total reads

 126,885 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 212,995 total reads

 212,995 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 283,126 total reads

 283,126 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 315,763 total reads

 315,763 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top