Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Diocese of San Carlos, nagpahayag ng suporta sa Rights of Nature bill

SHARE THE TRUTH

 1,669 total views

Suportado ng Diyosesis ng San Carlos, Negros Occidental ang Rights of Nature Bill na layong isulong ang pangangalaga sa karapatan ng inang kalikasan.

Sa pastoral letter ni Bishop Gerardo Alminaza para sa Laudato Si’ Week 2023, inihayag ng obispo na sisikapin ng diyosesis na isulong at paigtingin ang pagkilos laban sa lumalalang krisis sa klima sa Pilipinas.

Kabilang na rito ang pagtataguyod sa paglipat at paggamit ng renewable energy na tiyak na malinis at ligtas sa kalikasan at kalusugan, kumpara sa mga fossil fuel at coal-fired power plant.

“We shall continue to advocate for police reforms that address prevalent enviornmental issues, push for climate action, and support a just transition towards a low-carbon economy by supporting the Rights of Nature Bill and other Green Bills,” ayon kay Bishop Alminaza.

Maliban dito, paiigtingin din ng diyosesis ang inisyatibong ipalaganap ang Sapat Lifestyle upang baguhin ang mga nakasanayang nagdudulot ng negatibong epekto sa mga likas na yaman.

Sa pamamagitan nito’y mas maibabahagi pa ang kaalaman at tamang pamamaraan upang mabawasan ang mga nalilikhang basura, pagtitipid sa paggamit ng kuryente, at pagkakaroon ng maayos at malinis na transportasyon.

“We shall promote and initiate SAPAT Lifestyle practices in all aspects of work, including waste reduction, energy conservation, and sustainable transportation,” ayon sa obispo.

Nakikiisa rin ang diyosesis sa panawagan sa pamahalaan na magdeklara na ng climate emergency sa bansa upang higit na mapagtuunan ang pagpigil sa lumalalang epekto ng climate crisis.

“There is no better time than now to recognize the interconnectedness of all creation, and thereby it is our responsibility to acknowledge out nature’s intrinsic rights to thrive, restore, and protect itself from the very system that put us in the state of climate emergency in the first place,” saad ni Bishop Alminaza.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 72,538 total views

 72,538 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 80,313 total views

 80,313 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 88,493 total views

 88,493 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 104,091 total views

 104,091 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 108,034 total views

 108,034 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 1,978 total views

 1,978 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

 3,322 total views

 3,322 total views Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top