Minor Basilica of the Black Nazarene, idineklarang Archdiocesan Shrine

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,028 total views

Idineklara ng Archdiocese of Manila ang Minor Basilica of the Black Nazarene – St. John the Baptist Parish bilang Archdiocesan Shrine of the Black Nazarene.

Sa kalatas na ibinahagi ng Quiapo Church pinahintulutan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang kahilingan ni Basilica Rector, Parish Priest Fr. Rufino Sescon Jr. kasama ang nasasakupang pamayanan na italagang archdiocesan shrine ang dambana matapos ang masusing konsultasyon ng Presbyteral Council.

“By these presents, We hereby decree that the Minor Basilica of the Black Nazarene – St. John the Baptist Parish (Quiapo Church), be conferred the title of the ARCHDIOCESAN SHRINE OF THE BLACK NAZARENE,” ayon sa Decree.

Kasunod nito ipinagkaloob din sa dambana ang mga karapatan bilang archdiocesan shrine alinsunod sa nakapaloob sa Canon Law [Can. 1230-1234].

Batay sa kasaysayan 1586 nang pinasimulan ng mga misyonerong Franciscano ang simbahan kung saan si Fr. Antonio de Nombella ang unang kura paroko subalit ito ay napinsala ng sunog noong 1603 sa panahon ng Chinese rebellion.

Makalipas ang ilang taon September 1987 nang basbasan ni noo’y Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin ang dambana kasabay ang kahilingang italagang minor basilica na inaprubahan ni Saint John Paul II noong December 11, 1987.

Tuwing January 9, milyong katao ang dumadalaw sa Quiapo Church upang makiisa sa pista ng Traslacion ng Mahal na Poong Hesus Nazareno na tinaguriang isa sa pinakamalaking pista ng Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 37,185 total views

 37,185 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 60,337 total views

 60,337 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 130,451 total views

 130,451 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 205,065 total views

 205,065 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 282,415 total views

 282,415 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top