“Ibig po naming makita si Hesus”, tema ng Nazareno 2024

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,063 total reads

Inilunsad ng Minor Basilica and National Shrine of the Black Nazarene ang opisyal na logo at tema ng Nazareno 2024.

Hango sa mga tunay na karanasan ng milyong-milyong deboto ng Poong Jesus Nazareno, itinalagang tema sa taunang pagdiriwang ang ‘Ibig po naming makita si Hesus’ na hango sa ebanghelyo ni San Juan kabanata 12 talata 21.

Inilarawan ng Quiapo Church na ang apat na taong makikita sa logo ay sumasagisag sa mga debotong naghahangad masumpungan si Hesus at maramdaman ang mga himalang magbibigay ng kaginhawaan at kapayapaan sa puso ng bawat isa.

Itinatampok din ang sama-samang paglalakbay ng mga deboto ng Nuestro Padre Jesus Nazareno kung saan magkaisang itinataas sa Panginoon ang mga panalangin at buong pusong ipinagkakatiwala ang paggabay tungo sa pagkamit ng mabubuting bagay.

Hamon ng pamunuan ng basilica at pambansang dambana sa pamumuno ni Fr. Rufino Sescon, Jr., sa mga deboto na patuloy isabuhay sa pamayanan ang tunay na pagkalinga na ipinakikita ni Hesus sa kanyang kawan.

“Nawa patuloy nating ipakita ang kanyang mukha, patuloy nating iparanas ang kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng paghahandog ng serbisyo sa mga tao,” bahagi ng pahayag ng Quiapo Church.

Puspusan na ang paghahanda ng dambana sa pagdiriwang ng pista sa January 9, 2024 kung saan inaasahan ang unti-unting pagpapanumbalik ng mga nakagawiang gawain na ipinagpaliban ng tatlong taon dahil sa COVID-19 pandemic.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng basilica sa mga opisyal at ahensya ng gobyerno para sa mas maayos na pagsasagawa ng NAZARENO 2024.

Matatandaang halos 100, 000 deboto ng Poong Jesus Nazareno ang lumahok sa isinagawang Walk of Faith sa pagdiriwang ng pista noong poon noong January 9, 2023 mula sa Luneta patungong dambana ng Quiapo Church.

Tiniyak din ang paghahanda ng simbahan sa posibleng pagdagsa ng mga deboto sa NAZARENO 2024 matapos inalis ng pamahalaan ang mga panuntunang pinairal noong pandemya.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 24,678 total reads

 24,678 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 121,780 total reads

 121,780 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 207,150 total reads

 207,150 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 253,886 total reads

 253,886 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 301,757 total reads

 301,757 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 399,579 total reads

 399,579 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top