Ika-3 “bike for kalikasan”, isasagawa sa Mindanao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,399 total views

Muling inaanyayahan ng social at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang lahat na makibahagi sa bike caravan para sa pangangalaga sa kalikasan.

Ito ang Third (3rd) Caritas Philippines Bike for Kalikasan na gaganapin sa October 5, 2024 mula alas-singko ng umaga sa Archdiocese of Cagayan de Oro sa Mindanao.

Ayon kay Donna Echalico, coordinator ng Cagayan de Oro Archdiocesan Social Action Center, 26-kilometro ang ruta ng bike caravan na magsisimula sa Xavier University, iikot sa Cagayan de Oro City, at magtatapos sa Gaston Park malapit sa Saint Augustine Metropolitan Cathedral o Cagayan de Oro Cathedral.

Sinabi ni Echalico na magandang pagkakataon din na ang arkidiyosesis ang napiling manguna sa gawain ngayong taon dahil magtitipon-tipon ang iba’t ibang environmental groups at advocates, at matatalakay ang mga usaping pangkalikasan na tinututukan sa lugar.

“Nakamit natin itong idea or action na ito na itipon ang lahat ng environmental advocates dito sa Archdiocese ng Cagayan de Oro para matugunan naman ang mga hinaing ng mga kababayan natin na gustong magpatulong na maresolba o mabigyan ng pansin ang iba’t ibang klaseng environmental issues sa kani-kanilang mga lugar,” ayon kay Echalico sa panayam sa Caritas News on the Go ng Caritas Philippines.

Kabilang sa mga hinaharap na suliraning pangkalikasan sa Mindanao ay ang coal mining at quarrying na labis nang nakakaapekto, hindi lamang sa kapaligiran kundi maging sa mga katutubong pamayanan.

Sinabi naman ni Caritas Philippines’ Communications and Partnership Development Head Jing Rey Henderson na layunin din ng Caritas Bike for Kalikasan na matulungan ang mga diyosesis sa bansa upang higit na maisulong ang pangangalaga sa kalikasan laban sa tuluyang pagkasira.

“Kaya ginagawa natin ang Caritas Bike for Kalikasan sa iba’t ibang parte ng Pilipinas dahil gusto natin na una, mai-highlight ang iba’t ibang advocacies at issues na kinaharap ng mga diocese kung saan ginagawa ito. Pangalawa, ay matulungan ng mga diocese yung mga partners upang mas ma-amplify ang ecological advocacies. At pangatlo ay sana makalikom tayo ng pondo para matulungan na masustain natin ang ating ecological advocacies and campaign na ginagawa all over the Philippines,” saad ni Henderson.

Noong nakaraang taon, higit 400-volunteer bikers ang nakibahagi sa ikalawang Caritas Bike for Kalikasan kung saan pinangunahan ni Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang 28-kilometrong pagbibisikleta mula Montemaria Pilgrimage Center sa Ilijan, Batangas City patungo sa Lagadlarin Mangrove Forest Park sa Lobo, Batangas.

Sa mga nais namang makibahagi sa gawain, bisitahin lamang ang facebook page ng Caritas Philippines para sa karagdagang detalye.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 72,645 total views

 72,645 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 147,259 total views

 147,259 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 227,338 total views

 227,338 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 270,477 total views

 270,477 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 267,108 total views

 267,108 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top