Ika-410 taong pagkatatag sa UST, ginunita

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 702 total reads

Ginugunita ngayong araw ang ika-410 taon mula ng maitayo ang University of Santo Tomas na pinakamatandang pamantasan sa Asya.

Pinangunahan ni Pontifical and Royal University of Santo Tomas Rector, Rev Fr. Richard Ang, O.P., PhD. ang thanksgiving mass na isinagawa sa Santisimo Rosario Parish sa UST.

Ayon sa Pari, bagamat humaharap ang bansa sa isang malawak na krisis na dulot ng COVID-19 pandemic ay naaangkop lamang na magbalik tanaw sa kasaysayan kung saan may mapupulot ring mga aral at inspirasyon na maaring magamit para sa kasalukuyang sitwasyon.

Paliwanag ni Fr. Ang, kabilang ang pagsisilbi ng UST bilang isang pundasyon ng pananampalatayang Kristiyano makalipas ang 500-taon sa mga pambihirang biyaya na patuloy na ipinagkakaloob ng Panginoon sa unibersidad.

“In history we look into the past as into a mirror to the hope of not only seeing we clearly reflected but also of becoming masters of present and future events. After 500 years of Christianity in the Philippines UST remains to be the bastion of the Catholic faith in Asia and in the country, truly grace is the source of all forms of human productivity.” pagninilay ni Fr. Ang.

Umaasa naman ang Pari na tulad ng katatagan ng unibersidad ay biyayaan rin ng Panginoon ang bawat isa ng katatagan, lakas at katapangan upang malagpasan ang kasalukuyang hamon ng COVID-19 pandemic.

Iginiit ni Fr. Ang na hindi dapat magpadala ang bawat isa sa takot, pangamba at kawalan ng katiyakan dulot ng pandemya.

“Many of us are restless, anxious, fearful of the uncertainty that the future may bring sabi nga ng maraming Filipino kung hindi tayo mamamatay sa virus, mamamatay tayo sa gutom. We pray that God may give the people, families and institutions like this university the ability to survive shocks and devastations in order to build a stronger community.” Dagdag pa ni Fr. Ang.

Itinatag ang UST noong April 28, 1611 bilang Colegio de Nuestra Senyora del Santisimo Rosario na kalaunan ay tinawag na Colegio de Santo Tomas bilang pag-alala kay St. Thomas Aquinas.

Taong 1645, idineklara ni Pope Innocent the 10th na Unibersidad ang pamantasan na kalaunan taong 1785 ay ginawaran ng titulong “Royal University” ni King Charles the 3rd ng Espanya.

Taong 1902 ng binigyan naman ng titulong “Pontifical University” ni Pope Leo the 13th ang unibersidad kung saan taong 1947 naman ng ginawaran ni Pope Pius the 12th ng titulong “The Catholic University of the Philippines” ang UST.

Bukod sa mayamang kasaysayang nasaksihan ng UST ay marami na ring mga kilalang personalidad ang nakabisita sa paaralan tulad ng mga Santo Papa at ni Mother Teresa, kung saan ang pinakahuli ay ang Kanyang Kabanalan Francisco sa kanyang naging pagbisita sa Pilipinas noong Enero ng taong 2015.(

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 97,129 total reads

 97,129 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 174,146 total reads

 174,146 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 207,594 total reads

 207,594 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 242,894 total reads

 242,894 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 465,682 total reads

 465,682 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top