Ilagan diocese, aktibo sa paglaban sa kagutuman

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 714 total reads

Aktibo ang Diocese of Ilagan Isabela para labanan ang kagutuman sa bansa.

Ayon kay Sr. Mary Peter Camille Marasigan, Coordinator ng Hapag-Asa feeding program ng Diocese, maliban sa pagpapakain sa mga batang may edad 5 taon pababa na kulang sa timbang, may especial feeding program din sila sa mga kabataan at sa mga senior citizen sa pakikipagtulungan sa Department of Social Welfare and Development at sa Asissi Development Foundation.

Sinabi pa ni Sr. Marasigan, pinaigting nila ang Hapag-Asa feeding program kasama ang Local Government Units (LGUs) at ibat-ibang Non-Government Organization (NGOs) sa diocese matapos ang kanilang summit para labanan ang kagutuman.

“Maganda ang implementasyon ng programa sa pamamagitan ng Hapag-asa feeding program, paano makakatulong to fight for zero hunger… nagsagawa din ang dioces ang Alay Kapwa summit in building pathways for eradicating poverty and malnutrition in the poorest family in integration with the year of family and Jubilee Year of Mercy last February, invited ang iba’t-ibang organization sa Diocese of Ilagan with the LGU’s para magtulong-tulong kami para labanan ang malnutrisyon at may special feeding program kami for youth tie-up with DSWD feeding program for senior citizen sa Assissi Foundation naman naka tie-up.” Pahayag ni Sr. Marasigan sa panayam ng Radyo Veritas.

Dagdag ng madre, maliban sa pagpapakain, nagbibigay din sila ng formation training para sa mga kabataan at sa mga magulang ng mga batang sumailalim sa feeding program para sa paghahanda sa livelihood program.

“Hindi lang natatapos sa pagkain it is coupled with formation component and later on kapag may possibility nagkakaroon din sila ng livelihood kaya nakipagtie-up din kami sa DOLE na katuwang namin para makapasok sila sa livelihood at para sa mga magulang nagkaroon kami ng self-help group approach, kung ang anak nila ay gagraduate na after ng implementasyon, tinuturuan silang magkaroon ng hanapbuhay para makatulong sa pagpapatuloy ng magandang kinabukasan ng kanilang mga anak.” Ayon pa kay Sr. Marasigan.

Ang Hapag-Asa Feeding Program ang maituturing na pangunahing programa ng Pondo ng Pinoy na itinatag ni Manila Archbishop Emeritus Gaudencio Cardinal Rosales noong 2004 upang mangalap ng mga barya para sa mga programa ng Simbahan at hikayatin ang mga Pilipino na mag-impok hindi para sa sarili kundi para tulungan ang kapwa kahit sa maliit na paraan.

Noong 2015 umabot sa 21,000 malnourished na mga bata ang napakain at natulungan ng Pondo ng Pinoy sa loob ng anim na buwan, habang nasa 25,000 o higit pang mga bata ang target nitong matulungan ngayong taon.

Ang Hapag-asa feeding program ng Pondo ng Pinoy ay bilang tulong na rin sa pamahalaan upang maibsan ang kagutuman ng mga mahihirap sa bansa lalo na ng mga bata.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Battered woman syndrome

 123,766 total reads

 123,766 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 185,457 total reads

 185,457 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 231,165 total reads

 231,165 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 332,433 total reads

 332,433 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 395,943 total reads

 395,943 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 341,453 total reads

 341,453 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 447,542 total reads

 447,542 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top