Ilang residente ng Bacoor, binagyo na nasunugan pa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 793 total reads

Nananatili sa evacuation center ang may 400 pamilyang apektado ng naganap na sunog sa isang residential area sa lungsod ng Bacoor sa Cavite.

Nagmula ang mga apektadong pamilya na kinabibilangan ng nasa 1,600 indibidwal mula sa Barangay Alima at Barangay Sineguelasan sa lungsod.

Naunang nagsilikas at nagpunta sa evacuation centers ang mga residenteng nakatira sa tabi ng dagat upang makaiwas sa storm surge na dala ng bagyong Rolly.

Ayon kay Fr. Mel Sandoval, kura paroko ng Saint Michael the Archangel Parish, patuloy na inaayos ng Department of Social Welfare and Development ang proseso upang matulungan ang mga naapektuhang pamilya na nagsisiksikan sa mga evacuation centers.

Sinabi ng pari na pagkatapos na ma-evaluate ng DSWD ang mga pamilya, agad itong kinukupkop ng parokya upang ilipat sa mas maluwag na Saint Michael Parochial School.

Dito’y ang bawat pamilya ay may nakalaang isang kwarto at hinahandugan ng parokya ng mga pangunahin nilang pangangailangan tulad ng pagkain.

“Ang ginawa namin sa parokya dahil malapit lang, ‘pag naayos na ng DSWD ‘yung mga pamilya, amin na pong kinukuha. Ineevacuate po namin sa St. Michael Parochial School at doon po namin binibigyan ng isang kwarto per family tapos ay aming binibigyan sila ng kanilang mga pangangailangan.,” ang pahayag ni Fr. Sandoval sa panayam ng Radyo Veritas.

Wala namang tinutukoy ang pari sa puno’t dulo ng naganap na sunog, sa halip ayon kay Fr. Sandoval na mas pinagtutuunan ng pansin ng parokya ang patuloy na pagtulong sa mga naapektuhan hanggang sa mailipat ang mga ito sa relocation center.

“Ang concern ng parokya ay tulungan hanggang sa sila’y madala doon sa relocation center, kung ano man ang kanilang plano. Inaayos natin ‘yung lahat ng pangangailangan at from here hanggang sa kung saan man sila mai-relocate ay tutulungan po ng parokya,” ayon sa pari.

Samantala, ayon naman kay Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla, ang bawat mga apektadong pamilya ay makakatanggap ng P10,000 bilang tulong ng lokal na pamahalaan.

Sa ngayon ay tinutukoy pa rin ang dahilan ng sunog na batay sa paunang ulat ng Bureau of Fire Protection Bacoor, napag-alaman na nagmula ang sunog sa isang bahay sa Brgy. Alima.

Itinanggi naman ng lokal na pamahalaan ang alegasyong arson o sinadya ang pangyayaring sunog sa lugar.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 68,729 total reads

 68,729 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 164,294 total reads

 164,294 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 208,562 total reads

 208,562 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 231,671 total reads

 231,671 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 303,695 total reads

 303,695 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 146,395 total reads

 146,395 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top