Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Imahen ng Our Lady Star of the Sea, nag-iikot sa Cebu

SHARE THE TRUTH

 2,574 total views

Nagsimula na ang pag-iikot ng imagen ng Our Lady, Star of the Sea (Stella Maris) sa ibat-ibang maritime institution sa Cebu sa pangagnasiwa ng Stella Maris Philippines.

Kahapon, August 26 ay unang bumisita ito sa himpilan ng Cebu Port Authority Pier 6 kung saan nagdaos ng misa para sa pagdating ng imahen sa Stella Maris Chaplain Fr.John Mission.

Sa pagninilay ng Pari, naging paalala niya sa mga mandaragat ang patuloy na pananalangin kay Maria upang hilingin ang paggabay at biyayang hatid ng Panginoong sa kabila ng mga suliranin sa paglalayag o bagyo.

“Just as sailors fix their eyes on the North Star to navigate turbulent waters, Mary, Our Star of the Sea, guides us steadfastly toward Christ amid life’s storms. Her presence here renews our hope and reminds us that no voyage is made alone,” ayon sa pagninilay ni Fr.Mission.

Ngayong araw, bibisita naman ang imahen sa pribadong sektor ng 2GO Shipping Office sa Pier 4 ng Cebu na susundan ng pagbisita sa ibat-ibang pang mga pantalan bilang pakikiisa ng simbahan at pangangalaga sa pangangailangang espiritwal ng mga bahagi ng mahalagang industriyang kabilang ang mga mandaragat.

“The Stella Maris devotion, recognized globally as a beacon of solace for seafarers, emphasizes Mary’s role as a protector and spiritual compass. This annual pilgrimage underscores the Church’s outreach to maritime communities, blending faith with the timeless challenges of life at sea,” ayon pa sa mensahe ng Stella Maris Philippines.

Una ng tiniyak ni Stella Maris Philippines CBCP-Bishop Promoter Antipolo Bishop Ruperto Santos ang pag-aalay ng misa at pangangalaga sa pangangailangan espiritwal ng mga mandaragat at pamilyang naiiwan habang naglalayag.

Photo Via Stella Maris Philippines Official Facebook Page.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

JOBLESS

 1,431 total views

 1,431 total views Nakakalungkot na reyalidad sa ating bayan, napaka-mahal ang edukasyon, butas-butas ang bulsa ng mga magulang upang maitaguyod ang pag-aaral ng mga anak, makapagtapos

Read More »

Cha-cha talaga?

 15,664 total views

 15,664 total views Mga Kapanalig, umuugong na naman ang panukalang amyendahan ang ating Saligang Batas.  Isa sa mga nagbunsod nito ay ang hindi pagkakasundo ng mga

Read More »

Mga mata ng taumbayan

 31,757 total views

 31,757 total views Mga Kapanalig, mainit na usapin pa rin ngayon ang mga maanomalyang flood control projects. Bilyun-bilyong piso kasi ang inilalaan ng ating pamahalaan para

Read More »

Bumabaha sa katiwalian

 50,389 total views

 50,389 total views Mga Kapanalig, hindi lang dismayado si Pangulong Bongbong Marcos Jr sa mga anomalyang nakapalibot sa malalaking flood control projects. Galit na raw siya.

Read More »

POOR GETTING POORER

 101,796 total views

 101,796 total views Bakit hindi na nakaka-ahon sa kahirapan ang maraming Pilipino habang patuloy namang yumayaman ang mga mayayaman na? Ano ang pumipigil sa mga mahihirap

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Arnel Pelaco

Eucharistic Renewal: A Call to Truth

 9,263 total views

 9,263 total views As Catholic communicators and members of the mainstream media, our sacred role is to tell the truth, the whole truth, even when it

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top