Imbestigasyon ng InfraCom sa flood control anomalies, hindi na itutuloy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,392 total views

Wala nang isasagawang pagdinig ang House Committee on Infrastructure o InfraCom kaunay sa iregularidad sa mga flood control projects.

Ito ayon kay InfraCom lead chairman Rep. Terry Ridon ay bilang tugon sa kahilingan ni House Speaker Bojie Dy, upang bigyang-daan ang imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure o ICI.

Ayon kay Ridon, kasama sa hakbang na ito ang pagsasalin ng lahat ng ulat, transcript, at mga dokumentong ebidensya ng komite sa ICI.

“The Infracomm will turnover all transcripts, documents and other pieces of information and evidence to the ICI, and it is our commitment to fully cooperate with the ICI on any and every aspect of our previous proceedings,” ayon sa pahayag ni Ridon.

Dagdag pa ni Ridon, maghahain sila ng mga panukalang batas kaugnay ng proseso ng mga proyektong pang-imprastraktura—mula sa pagpaplano at pagpapatupad hanggang sa pagsusuri.

Layunin din ng komite na palakasin ang ICI sa pamamagitan ng pagbibigay rito ng kapangyarihang maglabas ng subpoena at magpataw ng contempt.

Nagtungo si Speaker Dy sa tanggapan ng ICI upang personal na ibigay ang dokumento ng mga ebidensya ng isinagawang imbestigasyon ng Kamara para sa pagsusuri ng independent commission sa maanomalyang flood control projects na itinatag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“We trust that through its work, the ICI will be able to ensure transparency, that it will be able to ensure accountability, and most important of all, that it will be able to ensure justice,” ayon kay Ridon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 521 total views

 521 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 26,977 total views

 26,977 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 77,661 total views

 77,661 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 83,759 total views

 83,759 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 112,965 total views

 112,965 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top