“Rosary for Peace,” itinakda ng Santo Papa sa Oktubre

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,087 total views

Inaanyayahan ni Pope Leo XIV ang mga mananampalatayang Katoliko sa buong mundo na magsama-sama sa panalangin ng Rosaryo para sa Kapayapaan, lalo na sa mga bansang apektado ng digmaan, sa darating na buwan ng Oktubre na inilalaan ng Simbahan para sa Banal na Rosaryo.

Sa kanyang pahayag sa Wednesday General Audience, sinabi ng Santo Papa na ang mga mananampalataya sa Roma ay magtitipon sa St. Peter’s Square sa Oktubre 11, 2025, alas-6 ng gabi.

Hinimok ng pinunong pastol ang lahat na manalangin ng Rosaryo araw-araw — sa sarili, sa pamilya, at sa komunidad.

Inanyayahan din ng Santo Papa ang mga kawani ng Vatican na magsagawa ng daily Rosary sa St. Peter’s Basilica, alas-7 ng gabi, sa buong buwan ng Oktubre.

Binigyang-diin niya sa mga peregrino mula Portugal ang ‘mga pinsalang dulot ng karahasan’ at hinikayat ang lahat na ipalaganap ang pag-ibig ni Hesus, na nagbibigay liwanag at pagpapalago ng kabutihan sa buong sangkatauhan.

Ang Rosary for Peace ay gaganapin kasabay ng Jubilee of Marian Spirituality sa Oktubre 11–12, kasabay ng ika-63 anibersaryo ng pagbubukas ng Second Vatican Council noong Oktubre 11, 1962.

Ang orihinal na imahe ng Our Lady of Fatima ay ilalagay sa St. Peter’s Square para sa panalangin at pagdiriwang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 211,436 total views

 211,436 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 241,660 total views

 241,660 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 268,304 total views

 268,304 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 363,277 total views

 363,277 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 370,593 total views

 370,593 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top