Imbestigasyon sa paglabag sa karapatang pantao ng mga manggagawa, suportado ng pari

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,154 total views

Sinuman ay walang karapatan kunin ang biyaya ng buhay na kaloob ng Diyos.

Inihayag ito ni Father Eric Adoviso – Minister ng Manila Archdiocese Ministry for Labor Concerns (AMLC) matapos himukin ng International Labor Organization (ILO) ang Pamahalaan ng Pilipinas na imbestigahan ang mga paglabag sa karapatang pang-tao ng mga manggagawa ng bansa.

Ito nang inulat ng International Trade Union Confederation (ITUC) ang mga pangyayari ng paniniil, red-tagging at pagpaslang sa may sampung mga Trade Union Leaders.

“Dahil ba itong mga manggagawa na ito ay minsan sasabihin nalang ng pamahalaan an sila’y mga komunista, ito ay red-tagging wala naman itong ginagawa kungdi mag-tanggol lamang para sa karapatan ng manggagawa at wala naman tayong karapatan kumitil ng buhay kahit pa sabihin natin na- anuman ang sabihin natin sa kanila kung talagang sinasabi mo mga komunista yan, patunayan mo,” ayon sa panayam ng Radio Veritas sa Pari.

Pagbabahagi rin ni Father Adoviso, mahalaga ang diyalogo sa pagitan ng mga manggagawa at mga namumuhunan o sa kanilang mga employers.

Ito ay upang parehong makamit ang layunin ng pananatili ng trabaho ng mga manggagawa at hindi pag-iwas sa pagkalugi ng mga negosyo at establisyemento.

“Mahalaga yung dialogue, magkaroon ng dialogue sa pagitan ng mga namumuhunan at ng mga manggagawa kasi kinikilala naman natin na talagang bagsak ang ekonomiya pero hindi naman ang tahasang pag-aalis ng mga manggagawa,” pagbabahagi ng Pari.

Labis ding kinilala ng Pari ang pagpaparating ng ILO ng mensahe kung saan kaniyang naging apela ang mas pinaigting pakikiisa ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga imbestigasyon.

Bukod sa DOLE, mahalaga rin aniya ang pag-agapay ng Commission on Human Rights (CHR) at International Court of Justice (ICJ) upang mabigyan ang katurungan ang mga biktima ng pagpaslang at paniniil.

“Pwede naman kasing pumunta diyan ‘yung Commission on Human Rights dahil yan ay paglabag ng karapatang pang-tao, imbestigahan yan i-commission- pwede namang pumasok ang human rights diyan pero kung ito ay nasa husgado at dinidinig edi mas maganda rin yan nagsampa ang mga laban don sa mga hinihinala ay ‘yung mga suspected no pero sabi mo nga, maraming pamamaraan, pwedeng idulog sa commission pwedeng idulog sa international court of justice yung mga ganito,” ayon pa sa Pari.

Una ng tiniyak ng DOLE ang pakikiisa sa mga isinasagawang imbetigasyon, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III ito ay sa tulong ng Regional Tripartite Monitoring Bodies (RTMB), Dagdag pa dito ay dinidinig na rin ayon sa Korte ayon sa kalihim ang mga kaso ng pagpaslang sa mga Trade Union Leaders at members.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gaslighting

 8,389 total views

 8,389 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 76,118 total views

 76,118 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 99,270 total views

 99,270 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 169,384 total views

 169,384 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 243,502 total views

 243,502 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Proteksyon, panawagan ng WMRA

 5,389 total views

 5,389 total views Nanawagan ang Workers Motorcycle Riders Association (WMRA) sa mga rider at publiko sa buong bansa na makiisa sa pag-aalay ng panalangin at pagsisindi

Read More »
Scroll to Top