Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 1,595 total views

Homiliya para sa Huwebes ng Pang-anim na Linggo sa Karaniwang Panahon, 17 Pebrero 2022, Markos 8:27-33

“Ang Anak ng Tao ay kailangang dumanas ng matinding pagdurusa. Itatakwil siya ng mga matatanda ng bayan, mga punong saserdote at ng mga eskriba, at siya’y ipapapatay nila, ngunit sa ikatlong araw siya ay muling mabubuhay.”

Maganda ang “timing” ng pagbasang ito dahil nataón sa araw na ito ng Febrero 17, ang ika-isandaan at limampung taong anibersaryo ng kamatayan ng tatlong paring Pilipinong sina Padre Mariano Gomes, Jose Burgos at Jacinto Zamora, na mas kilala natin bilang GOMBURZA. 73 anyos ang edad ni Gomez, 35 lang si Burgos at 37 si Zamora nang masentensyahan sila ng kamatayan sa garrote sa Bagumbayan.

Binitay sa publiko ang tatlong paring ito ng kolonyal na gobyernong Espanyol dahil sa hindi-totoong paratang na sila ay kasabwat diumano sa nangyaring pag-aaklas sa Cavite (Cavite mutiny). Noon pa man, kahit wala pang social media, talagang uso na rin ang fake news at disinformation. Mas mabilis kumalat ang tsismis at paniwalaan ang kasinungalingan.

Sa totoo lang, kahit naman ang arsobispo ng Maynila at mga kaparian noon ay hindi daw naniwala sa paratang sa tatlong pari. Ngunit pinili ng marami sa kanila na tumahimik na lang dahil alam nilang may ibang dahilan kung bakit ang tatlong paring ito ang pilit na inaakusahan sa isang krimen na hindi nila ginawa.

Ang tunay na dahilan ay dahil malakas ang loob nina Gomburza na magsalita laban sa hindi patas na pagtrato sa mga paring katutubo na noon ay tinatawag na “Indio”. Bukod sa mababa ang tingin sa kanila ng mga purong Kastila, karamihan ay habambuhay na assistant na lang ang inaabot na posisyon sa mga parokya. Ito ang dahilan kung bakit marami sa kanila ang nagsipag-aral at nagpakadalubhasa sa mga unibersidad, para patunayan na matatalino rin ang mga Indio o katutubo, na maaari din silang maging mahusay, matalino, mga banal na pari na mapagkakatiwalaan din sa pagpapastol sa parokya. Si Padre Jose Burgos nga may dalawang doctorate: Canon Law at Theology.Si Padre Zamora, bukod sa Canon Law, nag-aral din ng Civil Law.

Napakatindi ng nararanasan nilang racist discrimination noon sa loob mismo ng simbahang Katolika na kontrolado pa rin ng mga Prayleng Kastila na masyadong loyalista sa kolonyal na pulitika ng Espanya. Sa tingin nila, ang mga paring katulad nina Gomburza ay delikado dahil makabayan ang dating nila—mataas ang pinag-aralan, matatalino.

Kung minsan, kapag may mga bumabatikos sa mga paring malakas ang loob na manindigan sa tama at totoo sa mga usaping panlipunan, lalo na sa moralidad ng pulitika, natatawa na lang ako kapag tinatawag silang mga “Padre Damaso”. Siguro mas mabuting Gomburza ang itawag sa kanila.

Hindi yata nila alam na hindi Pilipino ang karakter na Padre Damaso sa nobela ni Jose Rizal, at isang fictional character ito, na nagsilbing parang caricature ng ilang mga abusadong Prayleng Kastila (hindi naman lahat) na mas malakas ang loyalty sa kolonyal na gubyerno ng Espanya kaysa sa pananampalatayang Kristiyano.

Sa totoo lang, ang ikalawang nobelang isinulat ng ating pambansang bayani, ang EL FILIBUSTERISMO, ay dedicated sa tatlong paring binitay sa araw na ito. Nagkamali lang si Rizal sa petsa ng pagbitay sa kanila—Febrero 25 (o 28?) ang naisulat niya, hindi Febrero 17. Malay natin na magkakaroon din pala ng makasaysayang kahulugan ang February 25 pagkatapos ng 95 taon? 1891 nang isulat ni Rizal ang Fili, 1986 naman nang mangyari ang people power sa EDSA.

Sa hindi nalalaman ng marami, ang kamatayan ng tatlong paring ito ang naging inspirasyon para sa ating mga bayani na ipaglaban ang karapatan natin bilang mga Pilipino na lumaya na sa gubyernong kolonyal ng mga dayuhang Kastila. Malaki ang naging papel ng mga paring sekular at katutubo sa unti-unting pagmumulat noon ng mga Pilipino sa kanilang likas na dangal bilang mga mamamayan, at sa ating karapatang makilahok sa panlipunang pagbabago.

May mga pari daw noon na gumawa rin naman ng paraan para mapawalang-sala ang tatlong pari. May nagsikap na kumbinsihin sila na mangakong titigil na lang sila sa pagbatikos sa sistemang pinalalaganap sa simbahan ng mga Prayleng Kastila, na pinapanigan ng kolonyal na gubyerno. Ito’y para daw mailigtas nila ang sarili nila sa parusang kamatayan.

Palagay ko, ang diwa ni Kristo ang nanaig sa kanila. Hindi ako magtataka kung ang isinagot ni Padre Burgos sa ganyang suhestiyon ay, “Lumayo kayo sa akin, Satanas!” Katulad ng sinabi ni Hesus kay San Pedro.

Bukod kina Gomburza, maraming iba pang mga pari ang nagdusa at nabilanggo, at ang iba sa kanila ay nasintensyahan din ng kamatayan, bago naganap ang rebolusyon. Sa araw na ito, gusto ko rin silang parangalan at gunitain. Kasama na rin ang mga kapatid nating napilitang humiwalay at magbuo ng isang “Iglesia Filipina Independiente”noon, na mas kilala natin ngayon bilang mga “Aglipayano”, dahil sa tindi ng panunupil ng gubyernong kolonyal sa mga paring lakas-loob na ring nagpapahayag noon ng mga sentimyentong makabayan.

Sa okasyon ng 500th YoC, minabuti ng CBCP na makipagdiyalogo sa mga kapatid natin sa IFI upang hilumin ang mga sugat na idinulot ng kasaysayan sa pagitan nila at ng Simbahang Katolika. Ang araw na ito, gayundin ang Misang ito, ay iniaalay ko sa alaala, hindi lang nina Gomburza, kundi rin ng mga paring nawalay sa simbahang Katolika dahil naniwala sila na hindi tama na paghiwalayin ang kabanalan at kabayanihan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 13,283 total views

 13,283 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 20,764 total views

 20,764 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 33,904 total views

 33,904 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 39,877 total views

 39,877 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 45,631 total views

 45,631 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

REVELATION TO THE CHILDLIKE

 1,137 total views

 1,137 total views Homily for Wed of the 15th Wk in OT, 17 July 2024, Isa 10:5-7, 13b-16; Mt 11:25-27 Our first reading today is a grim warning to modern-day world powers who bully their neighbors. It is a good reminder for nations that have become economically prosperous and militarily powerful to the point of throwing

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 1,138 total views

 1,138 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 3,892 total views

 3,892 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 8,307 total views

 8,307 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 3,633 total views

 3,633 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 4,156 total views

 4,156 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 5,655 total views

 5,655 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 6,499 total views

 6,499 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 4,754 total views

 4,754 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 8,967 total views

 8,967 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 8,199 total views

 8,199 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 12,409 total views

 12,409 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 5,857 total views

 5,857 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 5,861 total views

 5,861 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 5,861 total views

 5,861 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top