Iniligtas ako ng Panginoon sa matinding kapahamakan-Bishop Antonio

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 587 total views

Tiniyak ni Ilagan Bishop David William Antonio na nasa mabuti siyang kalagayan makaraang maaksidente ang minamanehong sasakyan.

Sa mensahe ng obispo sa Radio Veritas nagpasalamat ito sa Panginoon sa pagsagip mula sa pinsala.

“Salamat sa Panginoon, ako’y nasa mabuting kalagayan, sa awa ng Diyos iniligtas ako sa matinding kapahamakan; God has preserved my life from harm, alleluia! Blessed be the name of the Lord!” mensahe ni Bishop Antonio sa himpilan.

Batay sa ulat ala una nang hapon nitong Abril 12 nang maaksidente ang sasakyan ng obispo makaraang sumabog ang gulong sa bayan ng Luna sa Isabela dahilan upang mawalan ng kontrol ang obispo bago tuluyang bumangga sa kasalubong na truck.

Ayon naman kay Fr. Ric-Zeus Angobung, chancellor ng diyosesis, nagmula si Bishop Antonio sa bayan ng San Mateo para sa maikli niyang pagpupulong.

Pauwi si Bishop Antonio sa kanyang tinutuluyan sa bayan ng Gamu ng mangyari ang aksidente.

Nagpasalamat naman ang obispo sa mga nagpaabot ng panalangin kasabay ng pagtiyak na nasa mabuti itong kalagayan lalo na sa mga taong nag-alala sa kanya.

“Mga kapatid, ako po’y taos pusong nagpapasalamat sa inyong mga panalangin para sa akin at sa lahat ng mga naglilingkod sa Simbahan. Damang-dama ko po ang inyong pagmamahal at pagmamalasakit,” ani Bishop Antonio.

Pinasalamatan din ng obispo ang lahat ng sumaklolo maging ang driver at may-ari ng trak.

Bukod sa Isabela pansamantalang pinangangasiwaan ni Bishop Antonio ang Apostolic Vicariate ng San Jose sa Mindoro.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 107,815 total views

 107,815 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 138,038 total views

 138,038 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 164,686 total views

 164,686 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 259,660 total views

 259,659 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 273,717 total views

 273,717 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top