Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ipagdasal ang conclave, panawagan ni Bishop Mesiona sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

 12,813 total views

Hiniling ni Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona sa nasasakupang mananampalataya na magbuklod sa panalangin para sa isasagawang conclave ng mga cardinal.

Sinabi ng obispo na tungkulin ng mga kristiyano ang ipanalangin ang mga cardinal upang sa tulong at gabay ng Banal na Espiritu ay maihalal ang kahalili sa namayapang si Pope Francis.

“The College of Cardinals is now tasked with selecting the new pope in a conclave. We can participate in this process by praying for the gift of discernment so that the Cardinal – electors may choose the right successor to Pope Francis,” ayon kay Bishop Mesiona.

Batid ni Bishop Mesiona ang lungkot na naranasan ng buong simbahan sa pagpanaw ng punong pastol lalo’t ang mga turo nito ay nakatutulong sa iba’t ibang antas ng buhay at pamumuhay ng mamamayan.

Hinikayat ng obispo ang mga parokya, religious groups at Basic Ecclesial Communities ng bikaryato na magsagawa ng ‘prayer gatherings’ para sa natatanging intensyong gabayan ang mga cardinal sa mga araw na pipili ng bagong santo papa.

Ipinagdarasal ng Obispo na bilang simbahang sinodal nawa’y magbuklod ang pamayanan sa pananalangin para sa mga cardinal – electors upang maging mabunga ang mga araw ng pananalangin at pagninilay.

“Let us seek the Holy Spirit’s guidance for the College of Cardinals during this crucial time as they collectively discern who to elect as the successor of Petrine responsibility as leader of the Church for today and the future,” dagdag ni Bishop Mesiona.
Kasalukuyang sede vacante ang Vatican City kung saan naninirahan ang santo papa ang obispo ng Diocese of Rome kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis noong April 21 dahil sa karamdaman.

Ayon sa datos sa mahigit 200 cardinal sa mundo, 135 rito ang cardinal-electors kabilang na ang tatlong Filipino cardinals na sina Cardinals Luis Antonio Tagle, Jose Advincula, at Pablo Virgilio David.

Makaraan ang Novendialis o pasiyam kay Pope Francis maghahanda na ang mga cardinal sa isasagawang conclave kung saan nauna nang isinagawa ang general conference ng mga cardinal ng simbahan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nakamamatay ang kurapsyon

 3,248 total views

 3,248 total views Mga Kapanalig, bago ang eleksyon, may trahedyang naganap sa Ninoy Aquino International Airport.  Dalawa ang namatay at apat ang nasugatan matapos araruhin ng

Read More »

Maghahari pa kaya ang kapayapaan?

 15,696 total views

 15,696 total views Mga Kapanalig, kung gusto natin ng kapayapaan, magsumikap tayo para sa katarungan. “If you want peace, work for justice!” Ito ang paalala ni

Read More »

PH JOB CRISIS

 50,870 total views

 50,870 total views Nakapahirap maghanap ng trabaho., mas lalong mahirap makapasok ng trabaho… Ito ang katotohanan… ang nangyayari… ito ang reyalidad sa Pilipinas, Kapanalig. Ang nakakadismaya

Read More »

WE CANNOT STOP, WE CANNOT GO BACK

 58,271 total views

 58,271 total views Kapanalig, nasaksihan natin bago at sa gitna ng CONCLAVE… hati ang maraming katoliko sa buong mundo, conservative ba o liberal ang mapipiling Santo

Read More »

Bukal ng tubig, bukal ng buhay

 59,268 total views

 59,268 total views Mga Kapanalig, ramdam na ramdam natin ang tindi ng summer heat! Kapag summer, talagang masarap maligo at uminom ng pampalamig, mapawi lang ang

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top