Ipagmalaki at pasalamatan ang mga Ama

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 589 total reads

Ito ang mensahe ni Diocese of Balanga Bishop Ruperto Santos – Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ngayong ipinagdiriwang ang araw ng mga Ama.

Ayon sa Obispo kabilang sa magagandang katangian ng mga ama ang pagtitiyak ng seguridad ng kan’yang pamilya.

Aniya, sa pagprotekta at pagtiyak ng kaligtasan ng pamilya ipinakikita ng isang ama ang kan’yang awtoridad at lakas, at dahil dito ay iginagalang at sinusunod ito ng pamilya.

“A father protects. He is always after safety and security of his children. He keeps them from harms and never hurts them. A father will always defend his loved ones, never allow anyone to bully nor take advantage of his children. With this aspect, a father shows his authority, his strength. And because of that, we respect, we obey our fathers.” Bahagi ng mensahe ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Dagdag pa ng Obispo, dakila at maituturing na bayani din ang mga ama dahil sa kanilang husay sa pagbibigay ng pangangailangan ng buong pamilya.

Kahanga-hanga aniya, ang pagsasakripisyo ng sarili ng isang ama, upang matustusan at masuportahan ang kan’yang pamilya.

“He is always a great and generous provider. He works hard to sustain his family, to support their needs. He gives all, does all for the well being of his loved ones. That is the reason our father is hardworking and always at work. So for us he is our model, our hero.” Dagdag pa ng Obispo.

Dahil dito, hiniling ni Bishop Santos na laging ipagdasal ang mga Ama upang gabayan sila ng Panginoon habang pinangangalagaan nito ang kanilang pamilya.

Partikular din na binigyang pugay ng Obispo ang mga Amang naghahanapbuhay sa ibayong dagat na handang magtiis ng hirap na mapalayo sa kanilang pamilya, matiyak lamang ang maayos at magandang kinabukasan ng kan’yang mga anak.

“Now let us be proud of our parents. Let us always be thankful to God for them. And always pray also for their safety, sound health and security, especially those fathers who are OFWs.” pahayag bi Bishop Santos.

Ngayong ika-16 ng Hunyo ipinagdiwang ang Araw ng mga Ama kung saan binibigyang pugay ang kanilang mga sakripisyo, paghihirap, at pagmamahal sa pamilya.

Una nang hinikayat ng Kan’yang Kabanalan Francisco ang mga ama, sa isang mensahe nito, na tularan si San Jose na dakilang ama ni Hesus, na tagapagligtas ng sanlibutan.

Aniya, sa pagtulad kay San Jose ay maayos na magagabayan ng mga ama ang kan’yang pamilya at mailalapit ito sa Panginoon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BRIGHT LIGHTS, TIGHTER WALLETS

 91,071 total reads

 91,071 total reads Kapanalig, sa pagsapit ng pasko., ito ay hindi lamang isang petsa sa kalendaryo, kundi apat na buwang “season of hope” sa ating mga

Read More »

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 149,232 total reads

 149,232 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 285,742 total reads

 285,742 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 400,864 total reads

 400,864 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 47,734 total reads

 47,734 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 77,267 total reads

 77,267 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 70,110 total reads

 70,110 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top