Hamon ni Cardinal Tagle, iwaksi ang ‘Individualistic mentality’

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 602 total reads

Iwaksi ang pagiging makasarili.

Ito ang hamon ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mananampalataya sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Santisima Trinidad sa Most Holy Trinity Parish sa Sampaloc Maynila.

Nawa ayon kay Cardinal Tagle, matularan ng mga mananampalataya ang Santisima Trinidad dahil ito ay larawan ng magkakaugnay na relasyon ng tatlong persona ng nag-iisang Diyos.

Paliwanag ni Cardinal Tagle, tulad ng pagkakaugnay ng tatlong persona ng Panginoon, ang bawat tao ay nararapat na magkaroon din ng personal na pakikipag-ugnayan sa kan’yang kapwa at hindi mamayani ang pagkakanya-kanya.

Iginiit nito na hindi matutuklasan ng isang indibidwal ang tunay niyang katauhan sa buhay nang walang pakikipag-ugnayan sa kapwa.

“Ang persona laging may kaugnay at sa ugnayan doon nya nakikita natuuklasan kung sino siya.” bahagi ng pahayag ni Cardinal Tagle.

Hinamon din ni Cardinal Tagle ang kabataan ngayong Year of the Youth na iugnay ang kanilang sarili sa kapwa sa pamamagitan ng pagtulong at pagmamalasakit.

Sinabi nito na habang bata pa lamang ay kinakailangang sanayin ang sarili na labanan ang indibidwalismo.

Giit pa ng Cardinal, magagawa ito sa pamamagitan ng pagkilala sa ugnayan ng bawat tao, pag-unawa sa ugnayan ng tao at ng kalikasan, pagtanggap sa tungkulin ng bawat tao na tulungan ang kan’yang kapwa, at pag-iwas sa pang-mamaliit o pang-aalipusta.

“Mga kabataan you are persons you are not just individuals learn how to relate with one another, at ipakita n’yo yan sa inyong malasakit.Iitigal na sana ng mga kabataan ang bullying, minamaliit ang kanyang kapwa. We are persons may kagandahan lahat tayo, meron ding kapintasan. Magkakaugnay tayong lahat kaya itigil ang paninirang yan. Kapag meron kayong nakitang inaapi, kayo ang unang dadamay. Kapag meron kayong nakitang inaalipustang kabataan isipin niyo kayo rin ang anak na isinusigo ng Diyos Ama taglay ang Espiritu ng paglingap at pag damay,” dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Kasabay ng pagdiriwang ng Holy Trinity ipinagdiwang din ng simbahan ang Basic Ecclesial Community (BEC) Sunday, umaasa si Cardinal Tagle na ang mga kabataan ay makatutulong din sa pagbuo ng maliliit na mga komunidad.

Naniniwala ito na kung ang saligan ng lahat ng uri ng komunidad ma pa simbahan man ito, sa pamilya, trabaho o sa paaralan, ay ang Santisima Trinidad, tunay na maiwawaksi ng lipunan ang “individualism”.

“Nakiusap po ako sa ating lahat na iwaksi na ang ganitong individualism na dahilan ng pagkasira ng tao ng bayan at ng kalikasan. Only genuine personhood that recognizes the other as part of me and I as part of the other, can the world and society be created and recreated dahil ganyan ang kilos ng Banal na Santisima Trinidad,” Pahayag ni Cardinal Tagle.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BRIGHT LIGHTS, TIGHTER WALLETS

 90,173 total reads

 90,173 total reads Kapanalig, sa pagsapit ng pasko., ito ay hindi lamang isang petsa sa kalendaryo, kundi apat na buwang “season of hope” sa ating mga

Read More »

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 148,334 total reads

 148,334 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 284,844 total reads

 284,844 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 400,016 total reads

 400,016 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 47,716 total reads

 47,716 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 77,249 total reads

 77,249 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 70,092 total reads

 70,092 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top