Katarungan para sa mga mangingisdang Filipino, panawagan sa gobyerno

SHARE THE TRUTH

 316 total views

Umaasa ang obispo ng San Carlos Negros Occidental na may makakatulong sa mga biktimang mangingisda na binangga sa Reed Bank upang makamit ang katarungan.

Ayon kay Bishop Gerardo Alminaza, mahalagang mabigyan ng karampatang tulong ang 22 mangingisda upang higit maramdaman ang kalinga mula sa kapwa Filipino lalu na sa pamahalaan.

“Sana mayroon silang mahanap na nararapat na tumulong sa kanila, may kakayahang tumulong na ipaglaban ang kanilang karapatan,” bahagi ng pahayag ni Bishop Alminaza sa Radio Veritas.

Nawa ay magsilbi ring paalala sa pamalaan ng Pilipinas at maging sa international community na malaman ang tunay na kalagayan ng mga mangingisda sa bansa.

Kasabay ng paggunita sa ika 121 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas ay binangga ng chinese vessel ang F/B GEM-VER 1 ang bangkang pangisda na pag-aari ng Filipino.

Halos 6 na oras palutang-lutang ang 22 sakay ng bangka makaraang takasan ng mga Tsino bago tuluyang mailigtas ng mga vietnamese na napadaan sa lugar.

Kasabay ng pagkilala ni Bishop Alminaza sa mga mangingisda bilang isa sa mahalagang sektor ng lipunan, ikinalungkot naman nito ang kalagayan ng mangingisda na napapabayaan at hindi pinahahalagahan ng pamahalaan.

“Kinikilala natin na malaki ang ating utang na loob sa ating mga mangingisda kasi sila yung isa sa nagpapakain sa atin pero in general sa mga sectors sila yung pinakamaralita talagang poor,” ayon pa sa obispo.

Umaasa rin si Bishop Alminaza na tutugunan at kikilos ang pamahalaan para suportahan ang mga mangingisdang Filipino sa paghahanap ng katarungan sa tila hindi makataong pagtingin ng mga Tsino sa mga Filipino partikular ang maliliit na sektor tulad ng mangingisda.

Hinimok ni Bishop Almiza ang mga mangingisda na magkaisa at pagtibayin ang samahan na ilahad sa publiko ang mga tunay na pangyayari upang makamit ang katarungan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pampersonal o pambayan?

 18,132 total views

 18,132 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 60,346 total views

 60,346 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 75,897 total views

 75,897 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 89,142 total views

 89,142 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 103,554 total views

 103,554 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Sa digmaan, lahat ay talunan

 36,115 total views

 36,115 total views Nanindigan ang Office on Stewardship ng Catholic Bishops’Conference of the Philippines na walang mabuting idudulot ang digmaan sa lipunan kundi pagkawasak at pagkakahati-hati.

Read More »
Scroll to Top