Ipalaganap ang disiplinang nakaugat sa pag-ibig sa halip na takot

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,821 total reads

July 15, 2020, 12:17PM

Muling nagpaalala ang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mamamayan na patuloy na mag-ingat sa nakahahawang coronavirus disease.

Nanawagan si Rev. Fr. Dan Cancino, MI, Executive Secretary ng CBCP Episcopal Commission on Health Care na pairalin ang pagmamahal at hindi ang takot sa pag-iingat na madapuan ng nakamamatay na sakit.

Inihayag ng Pari na hindi maaring maging dahilan ang takot sa pagsunod sa mga alituntunin na inilalabas ng pamahalaan at ng sektor na kalusugan sa halip ay dapat pairalin ang pagmamahal sa kapwa, sa pamilya, at sa bansa.

“Balik tayo sa sinabi ni Hesus at sulat ni San Juan, ang sabi niya “Love cast out all fear” -Yung pag-ibig at malasakit natin at pakikiisa; gagawin ko to magsusuot ako ng mask, maghuhugas ako ng kamay, at susunod ako sa patakaran dahil mahal ko ang pamilya ko. Hindi kasi puwedeng susunod tayo kasi takot tayo dahil may hanganan ang takot. Ipapalaganap natin ay ang mensahe ng pag-ibig at kahagalagan ng relasyon ng pamilya at kalusugan.”pahayag ni Fr. Cancino sa Radyo Veritas

Ipinaalala ni Father Cancino sa lahat na ipalaganap ang mensahe ng pag-ibig, relasyon ng pamilya at ang kahalagahan ng kalusugan upang maunawaan ng tao ang kahalagahan ng pag-iingat.

“Ikumpara rin natin sa ibang bansa, madaming bansa ang hindi nag-lock down dahil napababa nila ang kaso dahil ang ginamit nila ay disiplina. Disiplina na nakaugat sa pagmamahal sa bayan, sa Simbahan, sa Diyos, at sa Kapwa. Kapag iyun ang mensahe natin, pangmatagalan ‘yun at more sustainable kumpara sa fear.” dagdag pa ng pari.

Kaugnay ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19, ilang malalaking ospistal naman sa Metro Manila ang nagdeklara nang “full capacity” para sa mga pasyente ng COVID-19.

Nag-anunsyo nitong linggo ang Asian Hospital and Medical Center, The Medical City, Our Lady of Lourdes Hospital, at National Kidney and Transplant Institute (NKTI) na puno na ang kanilang mga pasilidad at wala na silang kakayahan para tumanggap ng mga COVID patients.

Mananatili namang bukas ang mga naturang ospital na tumanggap ng mga out-patient at non-COVID cases.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 114,816 total reads

 114,816 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 252,589 total reads

 252,589 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 368,364 total reads

 368,364 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 484,200 total reads

 484,200 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 374,536 total reads

 374,536 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 480,619 total reads

 480,619 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top