Ipanalo sa Kristo sa 2025 midterm elections, hamon ng CMSP sa mga botante

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,106 total views

Sa nalalapit na pambansa at lokal na halalan ngayong Lunes, nanawagan si Fr. Angel Cortez, OFM, Co-executive Secretary ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP), sa mga mananampalataya na suriing mabuti ang kanilang mga iboboto at piliin ang mga kandidatong tunay na nagsusulong ng kabutihan, katotohanan, at katarungan.

Sa kanyang homiliya, binigyang-diin ni Fr. Cortez ang paulit-ulit na siklo ng pagboto sa mga tiwaling pulitiko. “Lagi nating sinasabi na gutom tayo sa gobyernong tapat, sa isang gobyernong makatotohanan, pero ang binoboto naman natin yung mga corrupt, ang binoboto natin sila-sila pa rin,” aniya.

Ipinunto rin niya ang kawalang-pagbabago sa politika ng bansa dahil sa paulit-ulit na pagluklok sa mga pamilyang kabilang sa dinastiyang politikal. “Sinabi natin uhaw tayo sa isang pamahalaang mabuti. Pero binoboto natin pamilyang dinastiya pa rin. Sila-sila pa rin ang apelyido, hindi na nagbabago mula sa lolo hanggang sa kaapo-apuhan.”

Nanawagan si Fr. Cortez sa mga botante na alalahanin ang kanilang pananampalataya at isabuhay ito sa pagboto. “Tanungin natin ang ating sarili: kung tayo ay gutom sa hustisya, kung tayo ay uhaw sa pamamalakad ng tapat at mabuti, boboto pa ba ako ng corrupt? Boboto pa ba ako ng makasarili? Boboto pa ba ako ng sinungaling?”

Hinimok rin niya ang mga mananampalataya na huwag lamang iboto ang mga kilalang pangalan, kundi bigyan din ng pagkakataon ang mga kandidatong maaaring hindi sikat ngunit may tunay na malasakit sa bayan. “Sapagkat kung nais nating pakainin lahat, isipin din natin na marami ring pwedeng mamuno, kaya lang hindi sila kilala.”

Tinuligsa rin ng pari ang ilang kasapi ng Simbahan na nagdarasal para sa malinis na halalan ngunit lantaran namang sumusuporta sa mga tiwaling politiko. “Tayo po sa simbahan minsan hilaw yung ating pananaw… sumusuporta sa mga pamilyang corrupt… kaya ugatin natin kung ano ba ang tunay nating kagutuman at kauhawaan.”

Sa huling bahagi ng homiliya, nanalangin si Fr. Cortez para sa paggabay ng Espiritu Santo sa mga botante. “Ipanalangin natin sa Panginoon: tulungan nyo po kaming mapawi ng inyong katawan at dugo ang sistema ng gobyerno na mayroon ngayon. Ipadala nyo po ang Espiritu Santo na bumoto ng tama, tapat, at matalino ang bawat Filipino.”

Binigyang-diin niyang ang pagboto ay isang sagradong gawain na may pangmatagalang epekto. “Ang gagawin natin sa Lunes ay Sagrado. Pero ang epekto, tatlo, anim na taon at pangmatagalan pa para sa kinabukasan ng ating bayan.”

Muling paalala ni Fr. Cortez, “Hindi ang ayuda, hindi ang panunuhol, at hindi ang pagbili ng boto ang dapat tanggapin. Ipanalo natin si Kristo, ipanalo natin ang hustisya at katotohanan. Bumoto tayo ng tapat at may pananampalataya.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PRIEST’S IN CRISIS

 7,507 total views

 7,507 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 7,507 total views

 7,507 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 121,328 total views

 121,328 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 144,238 total views

 144,238 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 164,847 total views

 164,847 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top