Mataas na approval rating ni VP Duterte, hindi maaring gamitin ng depensa sa impeachment trial

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,793 total reads

Iginiit ng House prosecution na hindi maaring gamiting depensa sa impeachment ang mataas na approval o trust rating ng isang opisyal ng pamahalaan.

Ito ang pahayag ni House prosecution legal spokesperson Atty. Benjamin Tolosa matapos gamitin ng depensa ang resulta ng isang survey sa pagtatanong kay National Bureau of Investigation o NBI Director Melvin Matibag kaugnay ng reklamong betrayal of public trust laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Tolosa, kung mas marami ang nagtiwala sa isang opisyal, mas mabigat din ang pananagutan kapag nalabag ang tiwalang ipinagkaloob ng publiko.

“Actually, kung mas madaming nagtiwala, hindi ba mas madaming tiwala ang pinagtaksilan?” Ayon sa pahayag ni Tolosa.
Binigyang-diin niya na malinaw sa Konstitusyon na ang panunungkulan sa pamahalaan ay isang pampublikong tiwala at dapat laging may pananagutan ang mga opisyal sa sambayanan.

Kaugnay ito ng Article IV ng Articles of Impeachment na tumatalakay sa umano’y pagbabanta ni Vice President Duterte kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.

Ayon pa kay Tolosa, ang pangunahing usapin sa paglilitis ay kung nanatiling tapat ang Bise Presidente sa kanyang sinumpaang tungkulin na ipatupad ang batas.

“Ang pinag-uusapan dito na betrayal of public trust, ang pinagagalingan ‘yan sa Constitution, nakalagay dyan, public office is a public trust. Public officials should always be accountable to the people whom they serve,” ayon kay Tolosa.

Samantala, sinabi naman ni House trial spokesperson at Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong na mahalagang isaalang-alang kung kailan isinagawa ang survey, dahil posibleng ginawa ito bago pa mailahad ang mga ebidensya sa impeachment trial.

Dagdag pa ni Adiong, pabago-bago ang resulta ng mga survey kaya hindi ito maaaring maging batayan sa paghusga sa pananagutan ng isang opisyal.

Ayon sa pinakahuling survey, lumalabas na may 58 percent trust rating si VP Duterte sa Pulse Asia, habang 57 percent naman ang naitala sa Social Weather Station.

Iginiit naman ng House prosecution na ang kasikatan o mataas na trust rating ay hindi nag-aalis ng pananagutan ng isang halal na opisyal, lalo na kung may alegasyon ng paglabag sa tiwalang ipinagkaloob ng sambayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 206,408 total reads

 206,408 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 241,081 total reads

 241,081 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 256,981 total reads

 256,981 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 293,470 total reads

 293,470 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 299,817 total reads

 299,817 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top