Isabuhay si Hesus sa pamayanan, panawagan ng Santo Papa sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,743 total reads

Ipinapaalala ng Santo Papa Francisco na ang bawat binyagan ay tumanggap sa misyong maging tagapagpahayag ng mabuting balita sa sanlibutan.

Ito ang pagninilay ng santo papa sa Angelus sa Vatican kung saan nakatuon ang paksa sa mga gawain ng propeta.

Paliwanag ni Pope Francis na sa pakikiisa sa misyon ni Hesus bilang propeta ay nararapat na ipahahayag sa lahat ng dako ang kadakilaan ng Panginoon at ang mga kaakibat ng gawain sa pamamagitan ng pagsasabuhay sa mga turo at halimbawa ni Hesus.

“The Lord in the Gospel also asks us to welcome the prophets; therefore it is important to welcome each other as such, as bearers of a message of God, each according to his state and his vocation, and to do so where we live, that is, in the family, in the parish, in the religious communities, in other areas of the Church and of society.” bahagi ng pahayag ni Pope Francis.

Hinimok ng punong pastol ang mananampalataya na isabuhay si Hesus sa mga pamayanan at maging pag-asa sa kapwa.
Binigyang diin nitong kaakibat ng pagiging propeta ang kahandaang makinig tungo sa mabuting pakikipagdayalogo na makapaghahatid ng pagbubuklod at kapayapaan sa buong mundo.

Sinabi ni Pope Francis na kung naisabuhay ito ng bawat isa ay naiwasan ang mga hindi pagkakasundo na humantong sa digmaan at karahasan na labis nakakaapekto sa lipunan.

Una nang umapela ang santo papa sa international communities at world leaders na mamagitan sa mga lugar na ma digmaan at isulong ang dayalogo sa pagitan ng magkabilang panig upang mahinto ang karahasan.

Kabilang na rito ang nagpapatuloy na sigalot sa Russia at Ukraine kung saan nasa 300-libo na ang nasugatan at nasawi habang milyong katao ang nagsilikas para sa kaligtasan.

Kamakailan ay ipinadala ni Pope Francis si Cardinal Matteo Zuppi sa Ukraine at Russia upang makipagpulong sa mga lider at tinalakay ang mga hakbang tungo sa kaayusan ng dalawang bansa.

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 19,822 total reads

 19,822 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 1,019 total reads

 1,019 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 41,586 total reads

 41,586 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 69,668 total reads

 69,668 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 117,933 total reads

 117,933 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 139,969 total reads

 139,969 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top