Vaccine confidence, patuloy na ipapalaganap ng CBCP-ECHC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,475 total reads

Iginiit ng Healthcare Commission ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang patuloy na pagpapalaganap ng vaccine confidence sa bawat pamayanan.

Ayon kay CBCP-Episcopal Commission on Health Care executive secretary Fr. Dan Cancino, MI, ang pagsisikap na maipaliwanag sa publiko ang kahalagahan ng bakuna ay makatutulong para sa kaligtasan laban sa mga nakahahawang karamdaman tulad ng coronavirus disease.

“Tuloy pa rin tayo sa pagpapalaganap ng confidence sa vaccination. Kasi hindi naman natin alam kung ano ang kahihinatnan natin sa mga nangyayari lalo na sa kalusugan ng mamamayan.” pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Tinukoy ni Fr. Cancino ang COVID-19 vaccination campaign ng pamahalaan na nagpapatuloy upang mabigyan ng karagdagang proteksyon ang publiko mula sa virus.

Sinabi ng pari na hindi pa rin naaabot ng ilang lugar sa bansa ang target population na mababakunahan laban sa virus dahil sa kakulangan sa information dissemination, gayundin ang pagiging kampante ng publiko dahil sa pagbaba ng mga naitatalang kaso.

Paliwanag ni Fr. Cancino na naitatala ang mababang kasong virus dahil sa tulong ng mga bakuna kaya mas mababawasan pa ito kung makikibahagi ang mamamayan sa kampanya ng pamahalaan.

“Sabihin na rin natin na bumababa ang kaso ng COVID-19 pero meron pa ring kaso, at ang mga naaapektuhan nito ay ang vulnerable groups. Meron pa ring namamatay dahil sa COVID pero hindi na katulad dati. Siguro mayroong ibang complications, comorbidities, at hindi maiiwasan ‘yun. Kaya may mga paraan tayo na pwedeng gawin. Kaya let’s take advantage na kunin ang paraan na ito,” ayon kay Fr. Cancino.

Nito lamang Hunyo ay nagsimula nang mamamahagi ng COVID-19 bivalent vaccines ang Department of Health para sa priority groups na kinabibilangan ng healthcare workers at senior citizens.

Sa kasalukuyan, nasa 391-libong doses ng Cominarty Pfizer-BioNtech-adapted bivalent vaccines ang natanggap ng DOH mula sa Lithuanian Government noong Hunyo 3.

Ipapamahagi ito bilang ikatlong booster dose sa priority groups na nakatanggap na ng second booster shot apat hanggang anim na buwan na ang nakalipas.

Sa huling tala, nasa halos 180-milyong COVID-19 vaccine doses na ang naipamahagi ng DOH mula nang simulan ang vaccination campaign noong 2021.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 36,640 total reads

 36,640 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 87,108 total reads

 87,108 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 134,979 total reads

 134,979 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 238,927 total reads

 238,927 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 323,168 total reads

 323,168 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 166,057 total reads

 166,057 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top