VeritasPH

The Word, The Truth

 268 total views

Homiliya Para sa Kapistahan ng Pagbabalita sa Mahal na Birhen, Biyernes, Ikatlong Linggo ng Kuwaresma, Ika-25 ng Marso 2022, Lk 1:26-38

Para bang si Pope Francis ang naririnig ko sa mga salitang binitawan ni propeta Isaias kay Achaz, hari ng Judah, sa ating unang pagbasa. Kailangan natin ng kaunting background para maintindihan ang konteksto. Halos desperado ang propeta na pigilin ang isang madugong giyera. Pilit niyang kinukumbinsi ang haring Achaz na mayroon pang ibang paraan para maresolba ang political crisis na nagdudulot ng tensyon sa pagitan ng Judah at kanyang mga kapit-bansa—ang Aram at ang Israel. Kita nyo na kung bakit sinabi kong parang nauulit ito ngayon sa Russia at Ukraine? At ang gumaganap sa papel ng propeta Isaias ay ang Santo Papa.

Dahil ayaw ng Hari ng Judah na sumali sa isang koalisyon ng dalawang katabi niyang bansa para giyerahin ang Assyria, nagdesisyon na lang siya na kumampi sa mga Assyrians at sa kanila humingi ng tulong militar para labanan ang dalawang bansa. Hindi pa ito alam ng propeta Isaias, siyempre, kaya’t pilit pa rin siyang nakikipag-dialogue sa hari. Pero sarado na pala ang isip ng hari.

Sabi ng propeta, “Humiling ka ng isang palatandaan mula sa Diyos, kahit sing-lalim pa ng dagat o sing-tayog ng langit.” Ibig niyang sabihin, Alamin mo muna kung ang desisyon mo ay naaayon o hindi sa kalooban ng Diyos. Ngunit ang sagot ng hari sa propeta ay, “Huwag ka nang mag-abala. Hindi ko kailangan ang palatandaan. Hindi ko susubukin ang Panginoon.”

Parang magalang ang sagot, hindi ba? Pero sa totoo lang iniisnab niya ang propeta. Desidido na ang hari na hindi siya susunod sa payo ng propeta. Sa halip, hihingi na lang siya ng proteksyong militar mula sa hari ng Assyria laban sa pinagsanib na puwersa ng dalawang bansang nagbabalak na lumusob sa kanya. Parang alingawngaw ito ng sinasabi ng Salmo 20, 7 “May mga taong umaasa sa kanilang mga kabayo at karwaheng pandigma, imbes na umasa sa Panginoong ating Dios.”

Sabi tuloy ng propeta, “Alam mo, hindi lang ang bayan ang pinapagod mo; pinapagod mo rin ang Diyos. Kaya kahit ayaw mo, bibigyan pa rin kita ng isang palatandaan mula sa Panginoon, “Maglilihi ang isang babae at manganganak siya ng isang lalaki at tatawagin siyang Emmanuel, na ang ibig sabihin ay, “Kasama natin ang Diyos.”

Umuulit naman ito sa ating ebanghelyo. Pero imbes na propeta, isang anghel ang nakikipag-usap—ang arkanghel Gabriel. At imbes na hari, isang dalaga ang kanyang kausap. Sa version ni San Mateo, ang annunciation ay hindi kay Maria nakatuon kundi kay San Jose. Doon kinakausap ng anghel si Jose sa panaginip. Ipinaliliwanag nito kay Jose na hindi digrasya kundi grasya ang paglilihi ni Maria, na naaayon ito sa kalooban ng Diyos, na pinangyari ito ng Espiritu Santo at paraan niya ito upang mailigtas ang mundo. At doon mauulit ang ibinigay na palatandaan ng propeta, “Maglilihi ang isang dalaga at manganganak siya ng isang lalaki, at tatawagin itong Emmanuel.”

Ito rin ang pinag-aanyaya ni Pope Francis sa araw na ito ng Pista ng Pamamalita ng Anghel. Isang panawagan sa buong daigdig sa isang marubdob na panalangin at paghingi ng tawad, upang maitalaga sa kanyang Kalinis-linisang puso ang buong sangkatauhan, lalo na ang Russia at Ukraine.

Bakit ba malakas ang loob ni Pope Francis na gawin ito? Hindi lang dahil ipinakiusap ito ng Catholic Bishops’ Conference ng Ukraine. Higit sa lahat, alam kasi niya na parehong may malakas na debosyon kay Mama Mary ang mga Russians at Ukrainians.

May nakita akong video ng isang tangke na basta na lang iniwan ng isang sundalong Russo sa gitna ng kalsada. Nang pasukin ng mga sundalong Ukrainians ang tangke, nakita nila sa loob ang mga personal na kagamitan ng sundalong Russian umabandona sa tangke. May nakadikit sa salamin na larawan ni Mama Mary. Walang pinagkaiba sa mga jeepney drivers natin sa Pilipinas na naglalagay ng picture ni Mama Mary sa may rear-view mirror ng jeep at mayroon pang nakapulupot na rosaryo dito.

Ito ang isa sa malaking iskandalo tungkol sa giyerang ito para kay Pope Francis. Karamihan sa mga sundalong lumulusob at namomomba sa Ukraine ay mga Kristiyanong Russians. At karamihan sa mga Ukrainians na pinapuputukan nila ay mga Kristiyano rin. Kaya nasabi ni Pope Francis sa panalangin niya—wala nang titindi pa sa sakit na nararanasan ngayon ng Panginoong Hesukristo—dahil parehong mga binyagang Kristiyano, parehong kabahagi ng katawan ni Kristo ang pumapatay at pinapatay.

Naging bisita pa nga ni Pope Francis si Presidente Putin bago nangyari ang giyera. Niregaluhan pa siya ng presidente ng Russia ng isang napakagandang Russian Orthodox Christian icon ng Our Lady of Vladimir. Ipinakita pa niya sa Santo Papa ang kanyang pagiging deboto sa Mahal na Ina nang halikan niya ang larawan sa harapan mismo ni Pope Francis.

Alam ni Pope Francis na deboto ng Birhen si Presidente Putin, at alam din niya na walang ibang pakikinggan na advice ito kundi ang Patriarka ng Russian Orthodox Church na si Patriarch Kirill. At ito ang mas masaklap. Suportado ng Patriarka ang giyera ni Putin laban sa Ukraine. Nabigo si Pope Francis sa pagsisikap niya na ipaliwanag na si Hesus ay hindi kailanman magbabasbas ng giyera dahil hindi kamatayan kundi buhay ang hatid niya. Hindi niya sinabing “Walang pag-ibig na hihigit pa kaysa taong handang pumatay para sa kaibigan.” Ang sinabi niya, na binigkas pa mandin ni Presidente Putin sa isang stadium sa Russia ay, “Walang pag-ibig na hihigit pa kaysa taong HANDANG MAG-ALAY NG BUHAY para sa kaibigan.”

Kaya ang gagawin ni Pope Francis at ng buong simbahang Katolika na Consecration kay Mama Mary ay isang malakas na mensahe sa Russia: Parang awa na ninyo sa iisang Birhen Maria na itinuturing ninyong Ina, itigil na ninyo ang giyerang ito. Magkakapatid kayo! Sinasaktan ninyo ang puso ng iisang babaeng minamahal ninyo at tinuturing bilang ina.

Nitong nakaraang March 16, sa General Audience niya sa Roma, dinasal ni Pope Francis ang sumusunod na panalangin:

Panginoong Hesukristo, Anak ng Diyos, kaawaan mo kaming mga makasalanan.�Ikaw na isinilang sa lilim ng mga bombang bumabagsak sa Kyiv, kaawaan mo kami.
Ikaw na namatay sa kandungan ng isang ina sa isang bunker sa Kharkiv, kaawaan mo kami.
Ikaw ang beinte anyos na sundalong lumalaban sa front lines, kaawaan mo kami.
Ikaw na nakatitig mula sa krus sa sundalong may hawak na armas, kaawaan mo kami.

Patawarin mo kami, Panginoon, kung hindi kami makuntento sa mga pakong pinagpakuan ng iyong mga kamay sa krus.
Patawarin mo kaming mga hindi mapawi ang pagkauhaw sa dugo nga mga katawang tinadtad ng mga bala.
Patawarin mo kami, kapag ang mga kamay na nilikha mo upang kumalinga ay nagiging mga kamao ng kamatayan.�Patawarin mo kami, sa patuloy naming pagpaslang sa aming kapatid.
Patawarin mo kaming mga Cain na dumadampot pa rin ng mga batong maipupukol kay Abel.
Patawarin mo kami kapag patuloy namin ipinagtatanggol ang aming kalupitan sa aming mga gawain, kapag itinuturing naming karapatan ang magmalupit dahil kami’y pinagmalupitan.

Patawad para sa giyera, Panginoon. Patawad para sa aming kahibangan. Panginoong Hesukristo, Anak ng Diyos, nagsusumamo kami. Pigilan mo po ang kamay ni Cain. Liwanagan mo ang aming mga budhi. Huwag nawang masunod ang loob namin, huwag mo kaming iiwan sa aming mga kapalaluan. Pigilan mo kami, Panginoon, pigilan mo po kami. At kapag iyong napagtagumpayang pigilin ang kamay ni Cain, kalingain mo rin siya dahil siya’y kapatid din namin. Panginoon, bigyan mo po ng katapusan ang karahasang ito. Ikaw lang ang makapipigil sa amin. AMEN.

 

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 11,987 total views

 11,987 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 19,972 total views

 19,972 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 27,508 total views

 27,508 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 43,493 total views

 43,493 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 51,537 total views

 51,537 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 365 total views

 365 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 3,120 total views

 3,120 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 7,535 total views

 7,535 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 2,861 total views

 2,861 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 3,384 total views

 3,384 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 4,883 total views

 4,883 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 5,727 total views

 5,727 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 3,982 total views

 3,982 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 8,195 total views

 8,195 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 7,428 total views

 7,428 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 11,638 total views

 11,638 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 5,086 total views

 5,086 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 5,090 total views

 5,090 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 5,090 total views

 5,090 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD COMPACT

 5,082 total views

 5,082 total views BLOOD COMPACT Homiliya para sa Kapistahan ng Corpus Christi, 2 Hunyo 2024 Markos 14:12-16, 22-26 Sa America, lalo na noong bago nag-pandemya, sanay sila sa double species na communion sa Misa. Bukod sa ostia, umiinom din sila sa konsagradong alak. Sayang hindi natin nakasanayan ito sa Pilipinas, sa kabila ng kultura natin sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top