Isang wheelchair, Isang buhay program, ilulunsad ng LASAC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,577 total reads

Ilulunsad ng Lipa Archdiocesan Social Action Commission (LASAC) ang programang pamamahagi ng 100 wheelchair sa mga may kapansanan at higit pang nangangailangan.

Ito ang “Handog na Agapay: Isang Wheelchair, Isang Buhay” na programa ng social arm ng Arkidiyosesis ng Lipa bilang bahagi ng pagdiriwang sa kapistahan ni San Lorenzo, diyakono at martir sa ika-sampu ng Agosto. “Ang pagpupugay sa diwa ng kawanggawa at pagmamalasakit ni San Lorenzo ay naglalarawan ng kanyang iniwang aral sa mga mananampalataya,” ayon sa LASAC.

Layunin ng proyekto na makapagbahagi ng mga wheelchair para sa mga may pisikal na kapansanan sa tulong ng mapagkawanggawa at mapagbigay na pamayanan.

Sa halagang ₱3,500 ay maaari nang mag-sponsor ng isang wheelchair sa isang person with disability (PWD) beneficiary, at makapaghatid ng pag-asa at bagong kalayaan.

Batay sa tala ng National Council on Disability Affairs, nasa 0.54-percent o 646,208 sa higit 119-milyong populasyon ng Pilipinas ang may kapansanang pisikal. Sa mga nais magbahagi ng tulong, maaari itong ipadala sa pamamagitan ng GCASH account ni LASAC executive director, Fr. Jayson Siapco sa numerong 0966-572-6244. Para naman sa karagdagang impormasyon, tumawag lamang sa mga sumusunod na numero: (043) 757-6182 loc. 108, (043) 404-8057 loc. 108, at 0968-891-5708, o makipag-ugnayan sa official facebook page ng LASAC.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 43,225 total reads

 43,225 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 93,272 total reads

 93,272 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 141,143 total reads

 141,143 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 245,092 total reads

 245,092 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 328,992 total reads

 328,992 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 166,308 total reads

 166,308 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top