Itinalaga ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang ilang mga pari ng arkidiyosesis sa panibagong tungkulin.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,772 total reads

Kabilang na rito si Barangay Simbayanan anchor priest Fr. Douglas Badong na itinalagang kura paroko ng St. Joseph Parish sa Gagalangin Tondo Manila.

Bukod kay Fr. Badong itinalaga rin si Fr. Edrick Bedural bilang Assistant Minister ng Catechetical Foundation ng arkidiyosesis at Vice Rector ng Archdiocesan Shrine of Mary, Queen of Peace o EDSA Shrine na kasalukuyang pinamumunuan ni Fr. Jerome Secillano.

Si Fr. Richard Enrique Garrido naman ang itinalagang parochial vicar ng Nuestra Señora de Gracia Parish sa Makati City habang hahalili naman kay Fr. Badong bilang kura paroko sa maiiwang parokya ng Nuestra Señora de la Soledad sa Camba si Fr. Daniel Voltaire Hui.

Hiling ng cardinal sa mananampalataya ang patuloy na suporta at panalangin sa mga bagong misyon ng mga paring itinalaga sa bagong assignments.

“As we congratulate our brothers for the gift of ministry entrusted to them, we assure them of our fraternal support and prayers for their new pastoral responsibilities,” ayon kay Cardinal Advincula.

Itinakda ang pagsisimula ng kanilang bagong assignments sa November 4, 2024.

UNDAS 2026, generally peaceful

 33,590 total reads

 33,590 total reads Itinuturing ng Manila Police District na generally peaceful ang paggunita ng Undas 2026 sa apat na pangunahing sementeryo sa Maynila, kung saan umabot

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 9,854 total reads

 9,854 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 58,849 total reads

 58,849 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 108,600 total reads

 108,600 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 267,798 total reads

 267,798 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 294,539 total reads

 294,539 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top