Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Jubilee Mass for Workers, pangungunahan ng AMLC

SHARE THE TRUTH

 7,647 total views

Inaanyayahan ng Manila Archdiocesan Ministry for Labor Concern (AMLC) ang sektor ng mga manggagawa na makiisa sa idadaos na Jubilee Mass for Workers sa May 01 na araw ng Labor Day sa San Jose De Trozo Parish sa Santa Cruz Manila.

Ayon kay AMLC Minister Fr.Erik Adoviso, pangunahing isusulong sa gawain ang dignidad ng mga manggagawa na mahalagang pundasyon ng ekonomiya na patuloy pa ring biktima ng kontrakwalisasyon.
“Ipinagdiriwang po natin ito po kasi po, may dignidad ang mga manggagawa, tayo po bilang manggagawa sila po ay may dignidad at itong dignidad na ito ay binigay ng Diyos sapagkat ang tao ay kawangis ng Diyos pero hindi lang siya kawangis ng Diyos, sabi nga ni Saint John Paul II siya ay iniligtas ng Diyos, redeemed by Jesus Christ,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Adoviso.
Ipapagdarasal din ng Pari ang mababang provincial rate na patuloy na nagpapahirap sa mga manggagawa.

Isusulong din ng AMLC ang pagsasabatas ng 1,200-pesos kada araw na family living wage ng isang manggagawa.

“Yung sinasabi ni Saint John Paul II na magkaroon tayo ng just family wage na kung saan ay talagang malaking tulong ito sa pamilya, hindi na po kailangan mag-abroad nang isang miyembro ng pamilya para po matustusan ang kanilang ikinabubuhay, yun naman po lahat ng sinasabi ng ating Santo Papa ay turo ng simbahan kaya sana yun po ang mga pinapangarap ng mga manggagawa ngayong May 01,” ayon pa sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Adoviso.

Sa pagdiriwang ng Jubilee Year 2025 ngayong taon na may temang ‘Pilgrims of Hope’ ay nakatakdang gunitain ng Vatican ang Jubilee for Workers simula May 01 hanggang 04.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DESTABILIZATION

 113,845 total views

 113,845 total views Kapanalig, hindi dapat ipinagsasawalang bahala ang “destabilization plots”., ito ay paanyaya ng violence, pangpahina ng pamahalaan., pananabotahe sa gobyerno., pagkompromiso sa social fabric

Read More »

POWER OF PURSE

 178,973 total views

 178,973 total views Kapanalig, taon-taon…tayo ay nagpapakahirap sa pagta-trabaho, obligado tayong nagbabayad ng buwis., umaasang gagamitin ng pamahalaan sa tama ang ating pinaghirapang pera. Pinapaniwala tayo

Read More »

Huwag kalimutan ang mga EJK victims

 139,593 total views

 139,593 total views Mga Kapanalig, habang nakatuon ang atensyon ng publiko sa nagpapatuloy na kontrobersya sa mga flood control projects, huwag sana nating kalimutan ang mga

Read More »

Taun-taong pagsubok sa agrikultura

 200,950 total views

 200,950 total views Mga Kapanalig, maraming sakahan ang nalunod at nasira dahil sa pagbahang dulot ng Super Typhoon Uwan, at labis na naapektuhan ang ani ng

Read More »

Victim-blaming sa gitna ng delubyo

 220,906 total views

 220,906 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, sa kasagsagan ng pananalanta ng Super Typhoon Uwan, nag-viral sa social media si Pangasinan Second District representative Mark

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Marian Pulgo

PADAYON concert, isasagawa ng Caritas Manila

 10,566 total views

 10,566 total views Magsasagawa ang Caritas Manila ng fundraising concert-ang PADAYON Pag-ibig, Damayan sa Pag-ahon, na ilalaan para mga biktima ng nakalipas na lindol sa Visayas

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top