Pagtatag ng Holy Rosary College of Theology, pinahintulutan ng Vatican

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 44,536 total reads

Malugod na inihayag ng Holy Rosary College of Theology ng Archdiocese of Caceres na opisyal nang pinahintulutan ng Vatican ang institusyon na maggawad ng Bachelor in Theology sa pamamagitan ng Faculty of Theology ng University of Santo Tomas (UST).

Ang pahintulot ay bahagi ng re-affiliation ng kolehiyo sa UST, na pormal na kinilala ng dalawang kalatas mula sa Vatican.

Ayon sa seminaryo, ang bagong ugnayan ay nagbibigay-daan upang makapag-alok ang College of Theology ng Baccalaureate in Theology simula ngayong academic year.

“The Vatican has granted the Holy Rosary College of Theology the authority to confer the ecclesiastical degree of Bachelor in Theology through the UST Faculty of Theology—marking a major milestone for the Archdiocese’s formation program,” pahayag ng institusyon.

Ang affiliation ay ipinagkaloob ad quinquennium experimenti, o sa loob ng limang taong pagsusuri, at mananatiling epektibo hanggang 2030.

Itinuturing ito ng seminaryo bilang mahalagang hakbang para sa lokal na Simbahan sa paghuhubog ng mga magiging pari.

“The establishment of the Holy Rosary College of Theology as an independent institute academically affiliated with UST signals a significant advancement in strengthening theological education in the region,” dagdag pa nila.

Personal na tinanggap ni Fr. Joey Gonzaga, SThD, Rector ng Holy Rosary Major Seminary, ang mga dokumentong nagtatakda ng re-affiliation mula kay Fr. Jannel Abogado, O.P., Dean ng UST Faculty of Theology.

Samantala, si Fr. Gonzaga ay kabilang din sa mga lumahok sa Quality Assurance Seminar for Asia and Oceania na inorganisa ng Agency for the Evaluation and Promotion of Quality in Ecclesiastical Universities and Faculties (AVEPRO) at ginanap sa University of Santo Tomas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 18,409 total reads

 18,409 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 41,818 total reads

 41,818 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 78,319 total reads

 78,319 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 298,943 total reads

 298,943 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 332,554 total reads

 332,554 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top