Dambana sa Ermita, pinalakas ang paglilingkod para sa mahihirap sa ‘World Day of the Poor’

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 70,499 total views

Pinangunahan ng San Vicente de Paul Parish–Archdiocesan Shrine of Our Lady of the Miraculous Medal sa Ermita, Maynila ang pinalawak na serbisyo para sa mahihirap kasabay ng pagdiriwang ng ika-siyam na World Day of the Poor.

Binigyan diin ni Fr. Joel Rescober, Rector at Parish Priest ng San Vicente de Paul Parish – Archdiocesan Shrine of Our Lady of the Miraculous Medal, ang patuloy na pangunguna ng Dambana sa mga gawaing nagiging daluyan ng pagmamahal at habag ng Panginoon para sa pinakamahihirap sa lipunan.

Ang mensahe ay kaugnay sa paggunita ng ika-siyam na World Day of the Poor, na may temang You Are My Hope, kung saan muling isinagawa ng Dambana ang Integrated Feeding Program at gift-giving para sa mga mahihirap at street dwellers sa Ermita, Maynila.

Ayon kay Fr. Rescober, nagiging posible ang mga proyektong ito sa tulong ng Diyos, na nagpapakilos ng kabutihan sa puso ng mga donors at benefactors.

Hinihikayat ng pari ang mananampalataya na tularan ang halimbawa nina Our Lady of the Miraculous Medal at Saint Vincent de Paul, upang mas makita ang mukha ni Kristo sa mga mahihirap.

Binigyang-diin ng pari na tulad ng turo ni Saint Vincent de Paul, ang paglapit sa mahihirap ay paglapit din sa Diyos.

“Kung nakikita natin ang Diyos sa kanila, sa kabila ng kanilang kahirapan at kakulangan, mas nagiging malalim ang ating motibasyon na magmalasakit at tumulong,” pahayag niya sa isang panayam ng Radyo Veritas.

Samantala, tiniyak ni Ruth Seva, Basic Ecclesial Community (BEC) Coordinator ng Dambana, ang tuloy-tuloy na serbisyo para sa mga nangangailangan.

Nitong Nobyembre 15, umabot sa 300 beneficiaries ang nabigyan ng pagkain, hygiene kits, at damit sa isinagawang integrated nutrition program.

Bukod dito, nananatiling aktibo ang regular feeding program ng Dambana na dalawang hanggang tatlong beses kada linggo, na nakikinabang ang humigit-kumulang 200 mahihirap at street dwellers.

Nanawagan si Seva sa mga may mabubuting puso na ipagpatuloy ang kanilang tulong.

“Umaasa sila sa pakain ng simbahan, kaya taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng sumusuporta at nawa’y ipagpatuloy ninyo ang pagtulong,” ayon pa sa panayam.

Ang pagdiriwang ngayong taon ng World Day of the Poor, na itinalaga ng Vatican, ay muling nagpaalala sa misyon ng Simbahan—ang maging pag-asa ng mga pinakaaba at pinakadukha sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 24,994 total views

 24,994 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 58,076 total views

 58,076 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 86,427 total views

 86,427 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 154,158 total views

 154,158 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 175,513 total views

 175,513 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top