Mahihirap, tinawag ng Obispo na Evangelizers

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,913 total views

Nagpaabot ng pakikiisa si Cubao Bishop Elias Ayuban Jr. sa mga mahihirap na Pilipino sa paggunita ng Simbahang Katolika sa World Day of the Poor.

Tiniyak ni Bishop Ayuban sa mga mahihirap na hindi sila pababayaan at kasama sa mga programa ng simbahan sa pag-angat ng kanilang pamumuhay.

Tinawag din ng Obispo na mga evangelizer ang mga mahihirap dahil sa pamamagitan nila makikita ang panginoong Hesukristo.

Nakiisa si Bishop Ayuban sa urban poor community ng Barangay Tatalon, Quezon City sa paggunita ng World Day of the Poor.

Pinangunahan ng Obispo ang prusisyon ng mga mahihirap na ‘Kariton ni Kiko, Kariton ni Maria’.

“Ito ay isang pagpapatuloy sa mga nasimulan ni Pope Francis sa pagkilala- hindi lamang bilang tagapagtanggap ng ating pagkalinga kungdi bilang ating tunay din na mga evangelizers, they are also true evangelizers, marami tayong natutunan sa kanila at ang daan papuntang kabanalan ay hindi mahihiwalay sa ating paglilingkod at pakikitungo at pakikiisa sa mga maralita,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Ayuban.

Tiniyak ng Cubao Social Service Development Ministry (SSDM) ang pagpapaigting ng misyon ng Simbahan na makiisa , pagkalinga at tumulong sa pinakamahihirap hindi sa pamamagitan ng one-time assistance.

Hinimok naman ni Fr. Ronnie Santos, SSDM Minister at kura paroko ng Our Lady of Perpetual Help Parish, ang mga kawani, volunteers, at buong SSDM na manatiling matatag sa pananalig sa Diyos upang patuloy na magkaroon ng lakas at inspirasyon sa kanilang paglilingkod sa mahihirap.

Inihayag ng Pari na sa tulong ng mga naglilingkod ay higit na naisasakatuparan ang pagiging daluyan ng Simbahan ng pagmamahal at habag ng Panginoon para sa mga mahihirap.

“Sa ating Social Service Development Ministry, wag kayong mapapagod, wag kayong susuko sa laban na ito kasi kailangan kayo ng simbahan, sabi nga ni Hesus ‘Noon ako ay nagugutom, pinakain, nauuhaw naman ay pina-inom’ so ipagpatuloy po natin ang gawain na ito kahit madami pong pinagdaraanan na pagsubok, kaya po natin yan kasi nasa atin ang Diyos,” ayon naman sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Santos.

Sa datos ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap o KADAMAY, noong Marso ngayong taon, umaabot na sa 14.4-million ang bilang ng pinakamahihirap na Pilipino kung saan mula sa tala ay umaabot sa 4.64-million ang bilang ng mga urban poor o maralitang tagalungsod na matatagpuan sa Metro Manila.

Ipinapaalala ng temang “You Are My Hope” sa World Day of the Poor ang pangunahing tungkulin ng Simbahan na manatiling ilaw at pag-asa ng mga naaapi at napabayaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 48,149 total views

 48,149 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 172,560 total views

 172,560 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 214,888 total views

 214,888 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 292,825 total views

 292,825 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top