Obispo, nanawagan ng pananagutan sa mga nasasangkot sa korapsyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,943 total views

Mariing nanawagan ng pananagutan ang Diocese of Antipolo sa lumalalang usapin ng korapsyon, kabilang ang billion-peso flood control kickbacks at ang alegasyon ng “graft-tainted 100-billion peso insertions” sa 2025 national budget.

Binigyang-diin ni Antipolo Bishop Ruperto Santos na mahalagang managot ang mga tiwaling opisyal upang mabigyang katarungan ang mamamayang patuloy na naghihirap dahil sa malawakang katiwalian sa pamahalaan.

“No one is above the law, and no one is beyond the reach of God’s mercy. Let us pray for courage, honesty, and humility among those entrusted with power. Let us also pray for our nation, that we may never grow weary in demanding integrity and justice,” ayon kay Bishop Santos.

Kamakailan, nagsalita si dating Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co hinggil sa korapsyon sa pondo ng bayan, partikular sa budget insertions, kung saan pinangalanan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating House Speaker Martin Romualdez bilang nag-utos o sangkot sa naturang insertion.

Iginiit ni Bishop Santos na iharap sa publiko at sa hukuman ang mga taong pinangalanan upang sagutin ang mga alegasyon at liwanagin ang katotohanan.

Kung mapatunayang nagkasala, aniya, kailangang mapanagot at humingi ng kapatawaran sa Diyos at sa sambayanang pinagkaitan ng nararapat na paglilingkod.

“Truth does not fear the light. If those named in these allegations, no matter how powerful or prominent, are innocent, then they must step forward, answer the charges, and allow justice to vindicate them. If they are guilty, then they must repent, seek mercy, and make reparations,” dagdag ng obispo.

Binanggit din ng obispo na ang pagkakasangkot maging ng pinakamataas na lider ng bansa sa mga alegasyon ng katiwalian ay paalala sa bawat lingkod-bayan na ang serbisyo publiko ay hindi para sa sariling interes, kundi isang sagradong tungkulin na may malalim na moral at legal na pananagutan.

“Public service is not a privilege for enrichment but a vocation of sacrifice. Corruption is not merely a crime against the country; it is a sin against the poor, who suffer when resources meant for their welfare are stolen,” ani Bishop Santos.

Hamon pa ng obispo sa mga mambabatas at opisyal na nasasangkot sa isyu na buong tapang harapin ang anumang imbestigasyon upang makamit ng bansa ang tunay na pagbabago at paghilom.

“Let justice prevail, so that our nation may be healed and our people may trust once more in their leaders,” giit ng obispo.

Tiniyak din ng Diocese of Antipolo ang patuloy na pagdarasal para sa bayan, sa gabay ng Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje, upang makamit ang katarungan, pagkakaisa, at kapayapaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 68,678 total views

 68,678 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 143,292 total views

 143,292 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 223,371 total views

 223,371 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 266,510 total views

 266,510 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 263,430 total views

 263,430 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top