Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 79,971 total views

Ang papel ng babae sa larangan ng negosyo sa ating bansa ay patuloy na nagbabago at umuunlad. Marami ng mga babae ngayon ang nagtatagumpay at nagiging mahalagang bahagi ng ekonomiya ng bansa. Malaking progress ito kapanalig, dahil dati rati, ang mga babae ay kadalasang nakakulong sa tradisyonal na tungkulin tulad ng pagiging ina at pangangalaga ng pamilya. Dahil sa pagbabago at pangangailangan, mas lumawak ang papel ng kababaihan at pumasok na rin sa iba ibang larangan. Kasama na rito ang negosyo.

Sa kabila ng kanilang pag-unlad, marami pa ring hamon ang hinaharap ng kababaihan sa negosyo. Isa na rito ang gender bias o ang pagkiling laban sa mga kababaihan. Marami pa rin ang naniniwala na ang pamumuno at ang pagnenegosyo ay para sa mga kalalakihan. Dahil dito, nahihirapan ang ilang mga kababaihan na makakuha ng kapital o suporta para sa kanilang mga negosyo. Hirap din makakuha ng pondo o financing ang maraming mga kababaihang negosyante. Sa buong mundo, tinatayang nasa $1.7 trillion ang finance gap para sa mga babaeng negosyante.

Maraming organisasyon ang tumutulong upang mapalakas ang posisyon ng kababaihan sa larangan ng negosyo. Ang gobyerno, pati na rin ang mga pribadong sektor, ay nag-aalok ng mga programang pang-edukasyon at mga microfinancing upang suportahan ang mga kababaihang negosyante. Ang mga programa tulad ng Go Negosyo, isang inisyatibo na naglalayong palakasin ang mga maliliit na negosyo, ay nagbibigay ng mga pagsasanay at mentoring sa mga kababaihan upang tulungan silang magtagumpay.

Ang digital technology din ay naging malaking tulong para sa mga business women. Aktibo nilang ginagamit ang mga online platforms tulad ng social media upang maabot ang mas malawak na merkado. Ang e-commerce ay nagbigay sa kanila ng bagong daan upang makapagsimula ng kanilang sariling negosyo kahit nasa bahay lamang. Ito ay naging mas mahalaga lalo na sa panahon ng pandemya kung saan ang online business ay naging pangunahing plataporma ng kalakalan.

Kung mas bibigyan pa natin ng suporta ang mga kababaihan sa Pilipinas, patuloy silang magiging makapangyarihang puwersa sa mundo ng negosyo. Sa kabila ng mga hamon, patuloy silang mag-aangat ng kanilang sarili at ng kanilang mga komunidad. Malaki ang potensyal ng mga kababaihang negosyante na higit pang mapaunlad ang ekonomiya ng bansa at magbigay inspirasyon sa susunod na henerasyon.

Kapanalig, kapag nanatiling ang gender bias sa ating lipunan, lahat tayo talo. Sabi nga sa Catechism of the catholic Church: Access to employment and to professions must be open to all without unjust discrimination: men and women, healthy and disabled, natives and immigrants. For its part society should, according to circumstances, help citizens find work and employment.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ICC TRIAL

 2,604 total views

 2,604 total views Kapanalig, matapos ang 2025 midterm elections kung saan multi-bilyong piso ang nagastos at marami ang kumapal ang bulsa pansamantala., maraming relasyon ang nasira,

Read More »

REAWAKENING

 10,840 total views

 10,840 total views Kapanalig, nagising na nga ba ang mga botanteng Pilipino? Akalain mo, nagulat ang mga “political observer” sa naging resulta ng 2025 midterm election,

Read More »

20-PESO RICE

 18,822 total views

 18,822 total views Ibaba sa 20-pesos kada kilo ang presyo ng bigas… Ito ang naging pangako ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga Pilipino tatlong taon

Read More »

Cyber terrorists?

 27,401 total views

 27,401 total views Mga Kapanalig, hindi nakaligtas maging ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) sa mga nagpakalat ng fake news noong panahon ng

Read More »

Nakamamatay ang kurapsyon

 35,637 total views

 35,637 total views Mga Kapanalig, bago ang eleksyon, may trahedyang naganap sa Ninoy Aquino International Airport.  Dalawa ang namatay at apat ang nasugatan matapos araruhin ng

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

ICC TRIAL

 2,605 total views

 2,605 total views Kapanalig, matapos ang 2025 midterm elections kung saan multi-bilyong piso ang nagastos at marami ang kumapal ang bulsa pansamantala., maraming relasyon ang nasira,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

REAWAKENING

 10,841 total views

 10,841 total views Kapanalig, nagising na nga ba ang mga botanteng Pilipino? Akalain mo, nagulat ang mga “political observer” sa naging resulta ng 2025 midterm election,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

20-PESO RICE

 18,823 total views

 18,823 total views Ibaba sa 20-pesos kada kilo ang presyo ng bigas… Ito ang naging pangako ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga Pilipino tatlong taon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cyber terrorists?

 27,402 total views

 27,402 total views Mga Kapanalig, hindi nakaligtas maging ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) sa mga nagpakalat ng fake news noong panahon ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top