Kabataan, hinamon ni Archbishop Uy na manindigan sa talamak corruption

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,720 total views

Pinaalalahanan ni incoming Cebu Archbishop Alberto Uy ang mga kabataan na sila ang kinabukasan at pag-asa ng bayan, kaya’t hindi sila dapat manahimik sa harap ng talamak na korapsyon.

“If corruption continues, it is your future that is stolen—your dreams, your opportunities, your dignity. You are the hope of our nation and the guardians of tomorrow,” ayon kay Archbishop Uy.

Binigyang-diin ng arsobispo na ang paglaban sa katiwalian ay hindi lamang usapin ng pamahalaan kundi isang misyong Kristiyano upang isulong ang katotohanan, katarungan, at pag-asa para sa bayan.

“To fight graft and corruption is to defend truth, justice, and the poor. When you stand for honesty, you bring light into the darkness of our society,” dagdag ng arsobispo.

Tinukoy ng arsobispo na ang korapsyon ay sumisira sa tiwala ng publiko, nagnanakaw ng yaman ng mga mamamayan lalo na ng mga mahihirap, at nagpapahina sa pundasyon ng lipunan.
Dagdag ng pastol, ang mga simpleng gawain gaya ng panunuhol sa mga tanggapan, pagbibigay ng regalo kapalit ng pabor, o pandaraya sa paaralan ay nagiging normal sa lipunan at lalo lamang nagpapalaganap ng katiwalian.

Hinikayat ni Archbishop Uy ang mga kabataan na makiisa sa pagbabago ng bansa sa pamamagitan ng pagpili ng mga lider na may integridad, at sa patuloy na pagbabantay at paniningil ng pananagutan sa mga halal na opisyal.

“The healing of our nation begins with the conversion of every citizen. Vote and campaign for leaders who are honest and who care for the poor. We must not only demand accountability from leaders—we must also practice it ourselves,” ani Archbishop Uy.

Naniniwala ang arsobispo na ang aktibong pakikibahagi ng kabataan sa paglilingkod at pagpapanatili ng kaayusan sa lipunan ay kongkretong pagsasabuhay ng pananampalataya at pagtupad sa misyon ni Kristo na magmahal at magmalasakit sa kapwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 8,671 total views

 8,671 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 36,676 total views

 36,676 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 54,476 total views

 54,476 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 54,106 total views

 54,106 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 166,107 total views

 166,107 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Santo Papa, nanawagan ng pagbangon

 6,895 total views

 6,895 total views Mariing nanawagan ng pagbangon at pag-asa ang Kanyang Kabanalan Leon XIV sa mamamayan ng Angola sa kanyang isinagawang misa sa kanyang pagdalaw sa

Read More »
Scroll to Top