Kahandaan ng Simbahan sa pananalasa ng bagyong Ompong, tiniyak

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 622 total reads

Puspusan na ang paghahanda ng CBCP-NASSA/Caritas Philippines sa inaasahang matinding epekto ng bagyong Ompong sa Pilipinas.

Pinaalalahanan Father Edwin Gariguez, Executive Secretary ng Komisyon ang mga Diyosesis sa Northern Luzon na lubhang maaapektuhan ng Super Typhoon.

Dagdag pa ng Pari, isinaayos na din ng bawat Social Action Centers ang gagamitin nitong alternatibong linya ng komunikasyon, ipamimigay na mga relief goods at disaster protocols sa oras na manalasa na ang bagyong Ompong.

“From time to time may ilalabas kaming mga Advisory, meron na din tayong Emergency protocol sa Disaster sa kung ano yung mga dapat gawin… Binigyan din namin ng warning ang mga Dioceses sa Norte na ito’y hindi pangkaraniwang bagyo lang at kinakailangan ng ibayong paghahanda.” Bahagi ng pahayag ni Father Gariguez sa Radyo Veritas.

Naniniwala naman ang Pari na mas nahanda na ang mga Diyosesis sa pagbibigay ng tulong sa mga mamamayang kanilang nasasakupan.

Tiniyak pa ni Father Gariguez na nakaantabay ang pondong mula sa Alay Kapwa sakaling mangailangan ng karagdagang tulong ang mga lugar na maaapektuhan.

“Dahil dito sa mga ginawang paghahanda, sa tingin ko mas-ready at mas makakapagbigay ng karampatang tugon ang mga Dioceses kahit na may malakas na bagyo at ganun din nakaready rin an gating pondo mula sa ating Alay Kapwa na incase na mangailangan ay madali nating ma-mo-mobilize.” Dagdag ng Pari.

Samantala, ibinahagi ni Father Gariguez na nagsasagawa ngayong Septyembre ng Caritas Learning Exchange ang Caritas Philippines at Caritas Nepal sa Palo at Batangas.

Binisita ng may 28 kinatawan ng Caritas Nepal ang mga naturang lugar upang pag-aralan ang mga pagtugon na ibinigay dito ng CBCP NASSA/ Caritas Philippines.

Inihayag ng Pari na tamang-tama ang gagawing Obserbasyon ngayon ng Caritas Nepal sa paparating na bagyong Ompong sa bansa.

Umaasa ang pari na magiging maayos ang kooperasyon ng bawat Diyosesis at ng CBCP NASSA/Caritas Philippines upang maiwasan ang malubhang epekto ng bagyo mamamayan.

“Timing na timing magbabagyo ito parang practicum ito, yung pag-aaral, titingnan nila yung mga ginagawa sa Diocese. Yun yung isang maipagmamalaki natin sa Pilipinas kasi yung iba central office lang ang gumagalaw naka sentro sa kanila yung mga trabaho, pero tayo ang kagandahan natin, yung mga Diocese ay kayang asahan at sila’y kayang gumalaw,” pahayag ni Father Gariguez.

Naunang nananawagan ng panalangin ang mga Obispo para sa mga lugar na tatamaan ng bagyo.

Read: Archdiocese of Palo, nanawagan ng panalangin para sa mga lugar na tatamaan ng bagyo
Read: Cardinal Tagle, nagpahayag ng pag-aalala sa mga lugar na tatamaan ng bagyong Ompong
Read: Diocese ng Batanes, humihingi ng panalangin sa paglandfall ng bagyong Ompong

Ipanalangin at protektahan ang mga inuusig

 8,327 total reads

 8,327 total reads Hinimok ni Caritas Philippines President at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang mga mananampalataya na ipagtanggol ang kalayaan ng bawat isa na isabuhay

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Usapang klima

 15,061 total reads

 15,061 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 130,839 total reads

 130,839 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 251,418 total reads

 251,418 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 300,938 total reads

 300,938 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 42,997 total reads

 42,997 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 72,546 total reads

 72,546 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 65,391 total reads

 65,391 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top