Pananabotahe sa Pamahalaan, Ilusyon lang ng Pangulong Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 514 total reads

Ilusyon at haka-haka lamang ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang sinasabing pananabotahe sa pamahalaan sa ika-21 ng Setyembre.

Ito ang tugon ni Promotion of Church Peoples Response Spokesperson Nardy Sabino sa naging pahayag ni Pangulong Duterte na mayroong planong pag-aaklas at assassination laban sa kanya sa susunod na linggo.

Iginiit ni Sabino na ang kinakailangang paghandaan ng Pangulo sa ika-21 ng Setyembre ay ang pakikinig sa mga hinaing na nais iparating ng mamamayan sa pamamagitan ng isasagawang malawakang pagkilos.

Ipinaliwanag ni Sabino na layunin ng nakatakdang pagkilos na ipaabot sa pamahalaan ang damdamin ng mamamayan laban sa Diktadurya, Tiranya at Karahasan kasabay ng patuloy na panawagan para sa katarungang panlipunan, kapayapaan at pag-unlad na matagal na hinahangad ng mamamayan.

“Malayo yun dun sa iniisip niya, isang Ilusyon, ang kailangan niyang paghandaan ay mapakinggan niya kung ano yung naisin, yung hinaing ng mga mamamayan kaya nga nais magtipon sa September 21 na ipaabot sa ating pamahalaan na ayaw sa Diktadurya, ayaw sa Tiraniya, ayaw sa pagpatay, ang hanap ng bayan ay katarungan, ang hanap ng bayan ay kapayapaan at pag-unlad ng bayan na mararamdaman ng mga maliliit nating kababayan…” pahayag ni Sabino sa panayam sa Radyo Veritas.

Naunang inihayag ni Sabino na layunin ng nakatakdang United People’s Action na isasagawa sa Luneta na maipakita ang sentimiyento ng bawat isa para sa kalayaan ng bansa mula sa iba’t ibang banta.

Sa ika-21 ng Setyembre ang ika-46 paggunita sa Deklarasyon ng Martial Law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Pagbabahagi ni Sabino, tinatayang aabot sa 20,000 indibidwal ang inaasahang makikibahagi sa nakatakdang pagkilos kung saan magsasagawa muna ng Banal na Misa ang mga Katoliko habang magsasagawa rin ng Ecumenical Service ang mga Protestante at mga Born Again bago sama-samang magtungo sa Luneta ganap na alas-4 ng hapon para sa malawakang pagkilos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 93,249 total reads

 93,249 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 187,279 total reads

 187,279 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 231,547 total reads

 231,547 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 254,656 total reads

 254,656 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 325,543 total reads

 325,543 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top